Sa dalaway, mas open si Angel na pag-usapan ang conflict nila ni Nadine. Sa pananalita nitoy naghihintay lang siyang batiin ni Nadine pero, mukhang matatapos ang guesting nito sa Darna na kahit "hi" at "hello" ay hindi sila magbabatian.
Sa tanong kay Angel kung feeling niyay, nagmamaldita si Nadine sa pangdi-dedma sa kanyay, nakaramdam kami ng konting inis sa sagot nito.
"Hindi ko alam sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Ganun na lang ang attitude ko. Basta ako, dati pinakisamahan ko siya at kung kakausapin niya ako, okey at ayos din sa akin kung wala siyang time na kausapin ako."
Ayaw namang sagutin ni Nadine ang mga ipinahayag ni Angel sa presscon ng Initial D-Fourth Stage. Ang iksi ng sagot nito sa aming mga tanong nang makausap namin sa taping ng Now & Forever (Ganti). Pati ang pambubuking ni Angel sa naging relasyon nila ni Oyo na kanyang itinatanggiy, hindi na nito in-elaborate.
"No comment ako at wala rin akong masasabi sa aming tatlo. May mga bagay na dapat hindi sinasabi. Hindi man kami friends ni Angel, hindi rin kami magkaaway. Kapag magkasama kami sa Darna, trabaho lang kami nang trabaho," wika nito.
Samantala, may bago ring show sa Channel 11 si Nadine. Bida sila ni Goyong sa Guardian Angel sa direksyon ni Jay Altarejos.
Nakakadismayang "Aywan ko sa kanya" ang sagot nito. Humirit kung wala na ba silang communication? Ngiti ang sagot nito at gusto naming maniwala sa kwentong hindi na ito in-love kay Sheena. Abay, matutuwa ang Rainier-Yasmien (Kurdi) fans kung nagkaka-developan na nga sila.
Magdidiwang pa ang fans nina Rainier at Yasmien dahil bukod sa Lovestruck, mapapanood din sila sa bagong sitcom na Hokus Pokus at Fans Kita sa Ch. 11. Madali nga silang magkakagustuhan kung araw-araw silang magkasama.
Guest nina Juris Fernandez at Chin Alcantara sa first major concert nila si Ogie Alcasid. Kung may copy kayo ng "Beyond Acoustic" album ng MYMP, malalaman ninyong ni-revive ng MYMP ang kantang sinulat ni Ogie na "Sa Kanya". May isa pang special guest sa concert na bawal pang pangalanan na inyong ikagugulat.
Tickets are at P1,200, P1,000, P8,000 & P500 at mabibili na sa Ticketworld outlets at sa Music Museum ticketron. Produced ng Ivory Music & Video ang concert and co-presented by MYX and with Jam 88.3, Wave 89.1, 101.1 Yes FM as media partners.