Excited na ito sa pagkukwento tungkol kay Juliana na five years old na. Natuwa ito nang minsang pumunta sila ni Lucy ng Amerika at sinabing nagpapabili ang anak ng pants at backless na t-shirt with matching Cuban high heels. Kahit makulit si Juliana ay hindi naman sila namamalo ng anak pero may notice stick si Goma bilang babala kapag sobrang kakulitan na ang ginagawa nito.
"Minsan nga ay nag-ala-Darna siya, nagsuot ng costume nito. Lumipad siya at tumalon at ginaya ang ginagawa ni Darna. Hayun tuloy nasaktan siya," anang aktor.
Naitanong namin sa kanya kung totoo ngang hiwalay na sina Ricky Davao at Jackielou Blanco. Ang alam niya, nagsasama pa ang dalawa na taliwas sa balitang di na sila nakatira sa iisang bubong.
"Hindi na raw kailangan ni Ricky ang payo ko dahil kaya niyang lutasin kung anumang problema mayroon silang mag-asawa. Very independent naman ang anak kong yon although nasasaktan din ako kapag nakarinig na maswerte si Ricky dahil may mamanahin si Jackie. Ano bang ibig sabihin nito? Kung tutuusin, nang magpakasal sila ay dun siya tumira sa bahay na pundar ni Ricky.
Nalulungkot naman ako para kay Bing (isa pa niyang anak) dahil sa barkada ay natuto itong gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi naman ako nagkukulang ng pangaral sa kanya at di ko naman siya pwedeng bantayan 24 hrs a day," aniya.
Si Mymy Davao ay tapos ng Mass Comm sa La Salle.
"Kasama ko sa bahay si Charlon na maagang nag-asawa at lima na ang anak. Kailangan din nito ng trabaho dahil sunud-sunod ang anak nito at karaniwang housewife lang ang napangasawa nito," dagdag pa ni Charlie.
Paborito ni Akina si Angel Locsin at gusto niyang sumikat gaya ng idolo.
Very close si Akina sa kanyang ina na isang Pinay at madalas siyang magtungo ng Japan para dalawin ang kanyang ama na isang Japanese businessman.
Bata pa ay hilig na nitong mag-artista at wala siyang di gagawin para sumikat at maging katulad ni Angel.
Dahil di nagbibilang ng pera, pinalabas ng promoter na P50,000 lang ang kabuuan ng kinita nito.