Sa nasabing okasyon ay ipinakilala si Ruffa bilang pinakabagong presidente ng FTV-Turkey ni Demet Sener, ang 1995 Miss Turkey na kamakailan lamang nagpakasal sa NBA basketball player na si Ibrahim Kutluay.
Ang launch ay dinaluhan ng mga fashion luminaries ng Turkey tulad ni Tuvana ng A46 at ang New York-based Turkish jewelry designer na si Tansa Mermerci, mga supermodels at maraming iba pa. Naroon din ang presidente ng Fashion TV international na si Michel Adam.
Ang top fashion make-up artist ng Turkey na si Ahmet Yildirim ang nag-ayos kay Ruffa sa nasabing okasyon.
Kung dito sa Pilipinas ay kilalang-kilala si Ruffa, ganoon din sa Turkey at sa ibang bansa ng Europe dahil sa Fashion TV. Pagkatapos ng launch ay agad itong naging laman ng mga diyaryo at babasahin sa Turkey. Hindi ikinakaila ni Ruffa na nagi-enjoy umano siya sa kanyang bagong trabaho bilang presidente ng Fashion TV Turkey.
Samantala, nakatakdang dumating ng Maynila si Ruffa kasama ang dalawa niyang mga anak na sina Lorin at Venice sa unang linggo ng September para sa isang buwang bakasyon.
First time itong mangyayari sa movie industry na magkakaroon ng sabay-sabay na premiere sa tatlong magkakaibang lugar - Pilipinas, San Francisco at Los Angeles, California. Pagkatapos ng tatlong lugar, isusunod naman ang pagpapalabas ng pelikula ni Manny sa London, Rome, Dubai, Bahrain, Toronto at Vancouver, Canada, Melbourne at Sydney, Australia at Hong Kong. All out ang suporta kay Manny ng ating mga kababayan sa L.A. at San Francisco at sa iba pang lugar ng Amerika.
Ang Lisensyadong Kamao ay mula sa direksiyon ni Tony Bernal sa ilalim ng Violett Films.
"Masarap katrabaho ang bumubuo ng cast ng pelikula. Lahat sila professional at mababait at supportive sa isang baguhang tulad ko," pahayag ni Aldrich. Hindi ikinakaila ng tinedyer na hindi pa umano siya nakakaranas magkaroon ng girlfriend.
"Hindi ko pa lang siguro nakikita ang girl na gusto ko talagang ligawan," aniya. Hindi ikinakaila ni Aldrich na crush niya sina Dawn Zulueta, Charlene Gonzales at Cindy Kurleto.
Hindi naman kaya ma-question ang gender ni Aldrich dahil hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend?" Walang kaso sa akin. Mas kilala ko ang sarili ko kesa sa ibang tao," katwiran niya.
Umalis si Cesar patungong Amerika para asikasuhin ang kanyang international career sa tulong ng isang Hollywood agent. At hindi pa humuhupa ang usapin tungkol kay Cesar ay isa na namang Filipino director ang nabig-