^

PSN Showbiz

Ano ang masama kung gustuhing mag-asawa ni Jean?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Pinag-uusapan din nitong mga nakaraang araw ang tungkol sa diumano’y relasyon nina Joey Marquez at Jean Garcia. Pareho naman silang nag-deny na mayroon nga silang relasyon, at sa palagay naman namin dapat ay paniwalaan natin kung ano man ang sinasabi nila.

Pero ‘yon nga, marami ang nagsasabing baka naman panay ang deny ng dalawang ‘yan tapos ay mababalitaan mo na lang na nag-split sila.

Kung kami ang tatanungin, karapatan naman ng mga artista na itago ang kanilang personal na buhay, maging ang kanilang lovelife dahil wala naman yong kinalaman sa kanilang kakayahan bilang mga artista. Public property sila bilang artista, pero bilang mga pribadong tao, may karapatan din naman sila sa privacy.

Kaya nga lang kung minsan paniniwalaan mo nga ang kanilang denial, tapos pagdating ng araw lalabas na totoo pala ang relasyon nila.

Sa kaso ni Jean, kung mag-isip man siya ngayon na mag-asawa na at ilagay sa ayos ang kanyang buhay ay tama lang naman siguro. Dalawa na ang anak niya, na pareho ngang out of wedlock. Una ang anak nila ni Jigo Garcia, at iyong ikalawa naman ay ang anak niya sa kanyang Japanese boyfriend.

Matapos na magkaroon ng dalawang anak out of wedlock,palagay naman namin kailangang isipin na niya sa ngayon ang paglagay sa tahimik. Hindi na rin naman siya bata. Nagkaka-edad na rin naman siya at sa palagay namin kailangan din naman niya ang isang makakasama sa habang buhay. Ano naman ang masama kung mag-isip siyang lumagay na sa tahimik.
* * *
Kung anu-ano na ang ginawa nila riyan sa Darna.

Ngayon naglagay pa sila ng isang character, yong Divina Demonyita. Natawa kami sa pangalan ng character na yan, isipin ninyo mukhang hindi bagay na magkasama iyong mga salitang "divine" at "devil". Pero character lang naman yan, hayaan na natin. Ginampanan yan ni K Brosas.

Hindi magtatagal at magkakaroon daw ng isa pang character, iyong Black Darna, na palalabasing pinakamatinding makakalaban ni Darna dahil pareho sila ng powers, itim nga lang ang isa.

Talagang makikita mo, ginagawa nila ang lahat ng paraan para mapataas ang ratings at pahabain pa yang Darna. Ang laki kasi ng bayad sa title niyan eh.
* * *
Bago namin makalimutan, ang reliquia ni Santo Padre Pio na nasa Sto. Tomas, Batangas ay dadalhin sa Sto. Nino de Paz Chapel sa Greenbelt, Makati sa September 14, ang unang araw ng novena sa kapistahan ni Padre Pio. Ang magmimisa ay ang kura paroko ng simbahan ni Santo Padre Pio na si Reb. Padre Dale Anthony Barretto Ko. Samantala yong healing mass naman na ginaganap sa Sto. Tomas, Batangas tuwing ika-23 ng buwan ay gaganapin na tuwing alas 9 ng umaga, at alas-6 ng hapon. Ginawa ng dalawa ang healing mass dahil sa daming mga taong nagtutungo sa parokya ni Santo Padre Pio.

vuukle comment

BATANGAS

BLACK DARNA

DARNA

DIVINA DEMONYITA

JEAN GARCIA

JIGO GARCIA

NAMAN

SANTO PADRE PIO

STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with