Imagine, nagawa niyang tanggihan ang milyong-milyong talent fee para lang mag-endorse ng liquor and beer products. Ang parati raw rason ni Cesar, ayaw niyang matutong uminom ng kahit anong nakakalasing na produkto ang kanyang mga anak kaya ayaw niya itong tulungang i-promote.
Kahit nga ang manager niyang si Norma Japitana ay nagsabing lahat na yata ng brand ng beer ay ini-offer sa kanya para i-endorse, pero ayaw daw talaga ni Cesar. Nanghihinayang tuloy si Tita Norma sa commission niya na of course ay joke lang.
Anyway, seryoso ang actor na maka-penetrate sa Hollywood. Next month, aalis siya papuntang Amerika para mag-hire ng talent agent na magre-represent ng career niya, lawyer na magiging in charge sa kanyang contracts at maga-audition para sa mga possible roles.
Mag-aaral din siya ng English with matching accent.
"Pupunta ako sa Mexico para mag-practice ng accent nila," he said.
Magha-hire din siya ng dialogue coaches para maging mas madali ang pag-aaral niya ng Mexican and Italian accent.
May two pictures pa siya sa Miramax Films na magmi-merge na sa Disney Pictures before the year ends kaya nagpi-prepare na siya para sa possible projects.
For the meantime, abala muna siya sa pag-i-endorse ng Pau Liniment. Tinanggihan niya ang malalaking offer sa mga beer products, pero sa Pau Liniment, pumayag siyang maging endorser. Imagine ilang milyones din sana ang talent fee niya sa mga beer commercial, pero ang Pau na ngayon pa lang ini-introduce sa Metro Manila market, tinanggap niya. "Mas maganda nga yung mas maliit na palalakihin pa lang," katuwiran ng actor.
Si Rufa Mae ang nag-asikaso sa kapatid niya na dati na naman niyang ginagawa.
Anyway, dumating na sa bansa si Rudy Hatfield after ng ilang buwang bakasyon sa Amerika. Ok na raw sila at wala nang problema. Hopefully nga raw, next year makapaglaro na uli si Rudy sa PBA na binawalang mag-laro dahil sa issue ng nationality.
Aside from Hokus Pokus na kakaiba sa dati nilang Idol Ko Si Kap dahil white witch ang character niya rito, busy din siya sa shooting ng Ako Legal Wife na akala ko nong una, serious movie yun pala spoof ng Mano Po ng Regal Films.
"Ito lang ang comedy movie sa Manila Filmfest," sabi niya.
Siya rin ang gaganap sa character ni Giovanni Pico, ang Pinay actress na kasama sa series na ER.
"Ang hirap nga nong una dahil puro English ang dialogue. Buti na lang at binago nila. Ginawa nilang mas marami ang Tagalog," natatawang kuwento ng sexy actress.
Sa Sept. 8 ipalalabas ang nasabing episode sa Magpakailanman.
Pero instead na sagutin ang tungkol sa mga issue sa apo niya at kay Jolo, mas nai-excite si Bong na magkuwento ng tungkol sa filmfest entry niya na Exodus na almost 50% na ang nagso-shoot. Sa estimate ni Bong, aabot ng P60 million ang budget nila dahil nga nag-hire pa sila ng mga fight instructor sa Hong Kong at dalawang Shaolin kid. Kahit ang mga stuntment nila ay sa Hong Kong pa nanggaling.
Sa Bangkok, Thailand naman ipa-process ang mga special effects dahil gagamit sila ng 5.1 surrounds.
"International market ang target namin kaya talagang hindi namin tinitipid," sabi ni Bong sa presscon ng Hokus Pokus na kapalit na show ng Idol Ko Si Kap.
At hindi pa man natatapos ang movie, naibenta na agad nila ito sa Hong Kong and China.
At any rate, kasama nila ni Rufa Mae sa Hokus Pokus sina Leo Martinez, Antonio Aquitania, K Brosas, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Diego Llorico, Popoy Bardos, Sarah Alabhati with the special participation of Hilda Koronel.
Limang taon din ang itinagal sa ere ng Idol Ko Si Kap bago ito napalitan ng Hokus Pokus.