^

PSN Showbiz

Bong ayaw nang pag-usapan si Rosanna

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
At least hindi lang bread trip ang pagiging endorser ng actor na si Cesar Montano. Kino-consider niya rin ang magiging effect nito sa consumer.

Imagine, nagawa niyang tanggihan ang milyong-milyong talent fee para lang mag-endorse ng liquor and beer products. Ang parati raw rason ni Cesar, ayaw niyang matutong uminom ng kahit anong nakakalasing na produkto ang kanyang mga anak kaya ayaw niya itong tulungang i-promote.

Kahit nga ang manager niyang si Norma Japitana ay nagsabing lahat na yata ng brand ng beer ay ini-offer sa kanya para i-endorse, pero ayaw daw talaga ni Cesar. Nanghihinayang tuloy si Tita Norma sa commission niya na of course ay joke lang.

Anyway, seryoso ang actor na maka-penetrate sa Hollywood. Next month, aalis siya papuntang Amerika para mag-hire ng talent agent na magre-represent ng career niya, lawyer na magiging in charge sa kanyang contracts at maga-audition para sa mga possible roles.

Mag-aaral din siya ng English with matching accent.

"Pupunta ako sa Mexico para mag-practice ng accent nila," he said.

Magha-hire din siya ng dialogue coaches para maging mas madali ang pag-aaral niya ng Mexican and Italian accent.

May two pictures pa siya sa Miramax Films na magmi-merge na sa Disney Pictures before the year ends kaya nagpi-prepare na siya para sa possible projects.

For the meantime, abala muna siya sa pag-i-endorse ng Pau Liniment. Tinanggihan niya ang malalaking offer sa mga beer products, pero sa Pau Liniment, pumayag siyang maging endorser. Imagine ilang milyones din sana ang talent fee niya sa mga beer commercial, pero ang Pau na ngayon pa lang ini-introduce sa Metro Manila market, tinanggap niya. "Mas maganda nga ‘yung mas maliit na palalakihin pa lang," katuwiran ng actor.
* * *
Stable na ang condition ng brother ni Rufa Mae Quinto na nasaksak sa isang rambulan. Ayon kay Rufa Mae na naka-usap namin sa presscon ng bago nilang sitcom ni Sen. Bong Revilla, Hokus Pokus na magi-start mapanood sa September 3, napag-tripan ang brother niya. "Napagtulungan eh. But he’s ok now," she said.

Si Rufa Mae ang nag-asikaso sa kapatid niya na dati na naman niyang ginagawa.

Anyway, dumating na sa bansa si Rudy Hatfield after ng ilang buwang bakasyon sa Amerika. Ok na raw sila at wala nang problema. Hopefully nga raw, next year makapaglaro na uli si Rudy sa PBA na binawalang mag-laro dahil sa issue ng nationality.

Aside from Hokus Pokus na kakaiba sa dati nilang Idol Ko Si Kap dahil white witch ang character niya rito, busy din siya sa shooting ng Ako Legal Wife na akala ko no’ng una, serious movie ‘yun pala spoof ng Mano Po ng Regal Films.

"Ito lang ang comedy movie sa Manila Filmfest," sabi niya.

Siya rin ang gaganap sa character ni Giovanni Pico, ang Pinay actress na kasama sa series na ER.

"Ang hirap nga no’ng una dahil puro English ang dialogue. Buti na lang at binago nila. Ginawa nilang mas marami ang Tagalog," natatawang kuwento ng sexy actress.

Sa Sept. 8 ipalalabas ang nasabing episode sa Magpakailanman.
* * *
Hindi pa lumalabas ang DNA result ni Jolo Revilla pero nakaalis na ito ng bansa para mag-aral sa Amerika. Wala ring idea si Sen. Bong kung na-DNA na rin ang apo niyang si Gabriel.

Pero instead na sagutin ang tungkol sa mga issue sa apo niya at kay Jolo, mas nai-excite si Bong na magkuwento ng tungkol sa filmfest entry niya na Exodus na almost 50% na ang nagso-shoot. Sa estimate ni Bong, aabot ng P60 million ang budget nila dahil nga nag-hire pa sila ng mga fight instructor sa Hong Kong at dalawang Shaolin kid. Kahit ang mga stuntment nila ay sa Hong Kong pa nanggaling.

Sa Bangkok, Thailand naman ipa-process ang mga special effects dahil gagamit sila ng 5.1 surrounds.

"International market ang target namin kaya talagang hindi namin tinitipid," sabi ni Bong sa presscon ng Hokus Pokus na kapalit na show ng Idol Ko Si Kap.

At hindi pa man natatapos ang movie, naibenta na agad nila ito sa Hong Kong and China.

At any rate, kasama nila ni Rufa Mae sa Hokus Pokus sina Leo Martinez, Antonio Aquitania, K Brosas, Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Diego Llorico, Popoy Bardos, Sarah Alabhati with the special participation of Hilda Koronel.

Limang taon din ang itinagal sa ere ng Idol Ko Si Kap bago ito napalitan ng Hokus Pokus.
* * *
Belated happy birthday to Mr. Ernesto Gozum of Minalin Pampanga. Greetings from Joven ng ABS-CBN Fitness First.

vuukle comment

AMERIKA

HOKUS POKUS

HONG KONG

IDOL KO SI KAP

NIYA

PARA

PAU LINIMENT

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with