Janno at Bing hiwalay na raw pero, ba’t si Bing pa rin ang nag-ayos ng bahay na inuuwian ng asawa?

Kumpirmadong hindi na nga umuuwi ng bahay nila sa Quezon City itong si Janno Gibbs. Ang kumpirmasyon ay sinabi ni Bing Loyzaga.

Inamin ni Bing na wala na sila ni Janno Gibbs. Hindi na ito umuuwi sa kanilang bahay pero hindi niya pinalayas si Janno. Maluha-luha nitong sinabi na dalawa na lang sila ng kapatid niyang si Chito Loyzaga ang narito sa bansa. "Most of my parents, relatives and siblings are in Australia. Ako, hindi puwedeng umalis kasi marami akong trabaho rito," sey pa ni Bing.

Tikom ang bibig ng mga kaibigan ni Bing Loyzaga na sina Agot Isidro at Amy Perez. Ayaw nilang makialam sa anila’y sitwasyong kinasasangkutan ng mag-asawa.

"Madalas sinasabi nila na ako ang nang-aaway kay Janno. Nanunugod at nagpapalayas sa kanya. ’Yun bang ipinalalabas nilang kontrabida ako kay Janno gayong inuunawa at minamahal ko siya? Ngayon, matapang talaga ako at nagpapakatotoo," sabi pa ni Bing.

Tumanggi itong sabihin kung ano ang dahilan pero umaasa pa rin siyang maaayos pa rin nilang mag-asawa ang kanilang sitwasyon. Katunayan, siya pa ang nag-ayos ng bagong bahay na inuuwian ng asawa. – Boni A. Casiano

Show comments