"Kaibigan ko pala si Atty. Laxa. Im 84 years old at 1921 ako ipinanganak. Kaya malakas pa ako, dahil I take things in moderation at wala akong bisyo. Sixteen ang lahat ng bitaminang iniinom ko at cool lang ako at ayaw kong makunsumi kaya siguro wala sa mukha ang tunay kong edad," ani Eddie.
First time niyang lumabas sa Violett Films via Lisensiyadong Kamao kasama si Manny Pacquiao.
Hindi halata ang kanyang tiyan na nasa ikaanim na buwan na dahil maluwang ang kanyang costume.
Excited na ang kanyang asawang si Anton Lagdameo sa nalalapit nitong panganganak sa last week of November o first week of December at sinabing ito ang pinakamasayang Pasko nilang mag-asawa.
Alaga na ito ngayon ng isang mayamang DOM. Binigyan siya ng dalawang resthouse sa isang southern province at isang malaking mansyon sa isang flushy subdivision sa Metro Manila!
Maganda ang pasok ng sexy star sa showbiz dahil bongga ang kanyang promosyon at publicity mula sa isang independent film at inilunsad agad ito sa pagiging ganap na bituin.
Naging mainstay pa ito sa isang sitcom dahil magaling namang magpatawa pero pa-guest-guest na lang ito sa TV. Nagso-show pa rin ito sa Japan dahil magaling naman siyang umawit at gusto ng mga Japanese customer dahil sa flawless complexion.