^

PSN Showbiz

Ian, handa nang pumapel na tatay!

- Veronica R. Samio -
Natatawa na lamang si Ian Veneracion kapag naaalalang nung alukan siya ng role sa Love to Love kasama si Jopay Paguia ng Sex Bomb, ang una niyang itinanong ay kung father ba nito ang role niya. Nagulat pa siya nang malamang love interest siya ng seksing artista.

Dahil marahil na sa Encantadia ay hindi lamang niya ginagampanan ang role ni Haring Armeo na muling mabubuhay sa mga susunod na kabanata ng fantaserye kundi ama rin siya ng binatang si Ybarra/Ibrahim na ginagampanan naman ni Dingdong Dantes.

Nakapagtataka naman talaga dahilan sa tatlumpung taong gulang lamang siya. Ang pinaka-matanda niyang anak sa kanyang asawang si Pam na si Deirdre ay seven years old lamang at five years old naman si Draco.

Kung siya ang masusunod ay ayaw niyang mag-artista ang kanyang mga anak pero, kapag sila na ang may gusto ay wala siyang magagawa. Pero sana raw ay tapusin muna nila ang kanilang studies. Limang taon siya nang magsimulang mag-artista bilang anak ni Joey de Leon sa Joey & Son.

Wala pa sa mukha ni Ian ang kanyang edad, marahil dahil masaya siya sa kanyang buhay. Kapag wala siya sa harap ng kamera ay nagpipinta siya. Palagi ay kasama niya ang kanyang pamilya.
* * *
Kung may taga-That’s Entertainment na talagang very proud ako, ito ay si Isko Moreno, kasalukuyang konsehal ng Maynila. Sayang nga lamang at hindi siya suportado ng kasalukuyang pinuno ng lungsod dahil mas marami pa sana siyang magagawa para sa mga mamamayan na kanyang nasasakupan. Sa halip ay pinaalis ang kanyang computer school sa gusali na matagal na nilang inuukupahan ng libre. Kailangan niya ngayong magbayad ng renta at kuryente sa bagong lugar na pinaglagyan niya nito gayong bakante naman ito.

Kinailangan din niyang humanap ng suportang pinansyal para maipagpatuloy ang pagbibigay ng bakunang anti-rabbies sa mga aso sa Maynila dahil tinanggal na ang serbisyong ito.

Dalawang taon na lamang at isa nang ganap na abogado si Isko. Magbubunga rin ang kanyang pagtitiyaga para ma-improve ang kanyang sarili at maging ang posisyong kanyang hinahawakan sa lungsod.
* * *
Mapapanood ang grupong sumikat ng husto nung 60’s, ang Cascades, nagpasikat ng mga awiting "Rhythm of the Rain", "Shy Girl", "Punch & Judy", at "Last Leaf".

Akala ng lahat ay wala na ang grupo dahil sa isang tragic plane crash pero, dumating sila ng Pilipinas nung Abril at dinumog ang kanilang palabas sa Hard Rock Cafe at Waterfront Hotel sa Cebu.

Sa September 9 ay may palabas silang muli sa Araneta Coliseum at September 10 sa Manila Hotel. Mapapanood na mag-perform ang mga orig na myembro ng grupo na sina John Gummoe, Chuck Crews, Gab Lapano at Tony Grasso.

Ang tiket sa Coliseum ay nagkakahalaga ng P200 (gen admission), hanggang P2,000 para sa VIP seats. Dinner and show naman sa Manila Hotel at ang ticket price ay P3,500/each.

Para sa ticket reservation, tumawag sa 911-5555 o pumunta sa Araneta, SM Ticketnet sa mga SM stores.
* * *
E-mail: [email protected]

ARANETA COLISEUM

CHUCK CREWS

DINGDONG DANTES

GAB LAPANO

HARD ROCK CAFE

HARING ARMEO

KANYANG

MANILA HOTEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with