Nagmistulang Sanrio house ang Isla Ballroom dahil sa mga Hello Kitty decors mula sa cake, give-aways, balloons at iba pa. Halatang baby girl na naman ang ipinagbubuntis ngayon ni Sunshine para sa kanilang ikatlong baby ni Cesar. Napakaganda kasi ni Sunshine magbuntis.
Parehong abala sina Cesar at Sunshine sa pag-asikaso sa mga dumalong bisita ganoon din ang manager ni Cesar na si Norma Japitana na isa sa mga tumayong ninang ni Samantha.
Behaved si Samantha Angelene sa kabuuan ng kanyang party. Kung ang panganay nina Cesar at Sunshine na si Angelina ay carbon copy ni Sunshine, kamukhang-kamukha naman ni Cesar ang kanilang bunso na si Samantha.
Samantala, nakatakdang isilang ni Sunshine ang kanilang third baby ni Cesar sa huling linggo ng December o di kaya sa unang linggo ng Enero.
Ang panganay ni Karla na si D.J. (Daniel Jose) ay sampung taong gulang na. Anak ito ni Karla sa aktor na si Rommel Padilla. Pangalawa naman si JC 8 (Jose Carlito) sa band member na si Naldy Padilla na kasintahan ngayon ng Sex Bomb member na si Michelle Estevez at ang pangatlo naman ay si Margaret Fiona (3) na anak naman ni Karla sa politician na si Mike Planas.
Nakatakdang isilang ni Karla ang kanyang bunso at pang-apat na anak sa buwan ng Pebrero. Ayon sa singer-actress, pang-huling anak na umano niya ito dahil pagkatapos niyang manganak ay magpapapayat na umano siya nang husto dahil gusto niyang balikan ang kanyang showbiz career. Since non-showbiz ang bagong boyfriend ni Karla, ayaw niya itong pangalanan kahit itoy binata at walang sabit. Ayon kay Karla, pinag-uusapan na umano nila ng kanyang nobyo ang pagpapakasal.
Sa kabila na ibat iba ang ama ng tatlong anak ni Karla, hindi naman umano nagpapabaya ang mga ama nito (liban kay Rommel Padilla) sa kanilang obligasyon sa mga bata. Si JC ay regular na kasama ng kanyang amang si Naldy Padilla tuwing Biyernes hanggang linggo at may panahon din si Mike sa kanyang anak na si Margaret. Sa kabila na tatlo na ang anak ni Karla at may isa pang darating, hindi ito nagpapabaya sa kanyang negosyo sa Samar kung saan siya may farm. Pero aminado siya na miss na niya ang showbiz.
Ang dancer na nasa rehab ay dating miyembro ng isang sikat na all-male dance group.
Ngayong hiwalay na sina Janno at Bing, magdesisyon kaya si Bing na mag-migrate sa Australia kung saan ngayon naka-base ang pamilya Loyzaga?
Samantala, hindi sarado ang pintuan ng balikan sa estranged couple. Pero kapag nasanay na sila pareho sa buhay na hiwalay, tiyak na tuluy-tuloy na ito tulad ng ibang celebrity couples na sa tuluyang paghihiwalay nauwi.
May gap man ang magkapatid na Kris at Cong. Noynoy Aquino, nagbatian naman ang dalawa nang magkita sila sa libingan ng kanilang ama.