^

PSN Showbiz

Apat na anak ni Karla Estrada, iba-iba ang tatay

RATED A - Aster Amoyo -
Isa nang ganap na Kristiyano ang one-year-old daughter ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Samantha Angelene na nagdiwang ng kanyang ika-isang kaarawan at kasabay ng kanyang kaarawan ay ang kanyang dedikasyon (binyag) sa Diyos na ginanap nung nakaraang linggo (Aug. 21) ng hapon sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel.    

Nagmistulang Sanrio house ang Isla Ballroom dahil sa mga Hello Kitty decors mula sa cake, give-aways, balloons at iba pa.  Halatang baby girl na naman ang ipinagbubuntis ngayon ni Sunshine para sa kanilang ikatlong baby ni Cesar.  Napakaganda kasi ni Sunshine magbuntis. 

Parehong abala sina Cesar at Sunshine sa pag-asikaso sa mga dumalong bisita ganoon din ang manager ni Cesar na si Norma Japitana na isa sa mga tumayong ninang ni Samantha. 

Behaved si Samantha Angelene sa kabuuan ng kanyang party.  Kung ang panganay nina Cesar at Sunshine na si Angelina ay carbon copy ni Sunshine, kamukhang-kamukha naman ni Cesar ang kanilang bunso na si Samantha.   

Samantala, nakatakdang isilang ni Sunshine ang kanilang third baby ni Cesar sa huling linggo ng December o di kaya sa unang linggo ng Enero.
* * *
First time naming nakita si Karla Estrada na kasama ang kanyang tatlong anak sa first birthday party ng bunso nina Cesar at Sunshine na si Samantha Angelene at doon lamang nalaman na four months heavy ngayon si Karla sa kanyang ikaapat na anak.  Ipinagbubuntis ngayon ni Karla ang kanilang magiging unang supling ng kanyang non-showbiz boyfriend na isang young businessman.   

Ang panganay ni Karla na si D.J. (Daniel Jose) ay sampung taong gulang na.  Anak ito ni Karla sa aktor na si Rommel Padilla.  Pangalawa naman si JC 8 (Jose Carlito) sa band member na si Naldy Padilla na kasintahan ngayon ng Sex Bomb member na si Michelle Estevez at ang pangatlo naman ay si Margaret Fiona (3) na anak naman ni Karla sa politician na si Mike Planas.   

Nakatakdang isilang ni Karla ang kanyang bunso at pang-apat na anak sa buwan ng Pebrero.  Ayon sa singer-actress, pang-huling anak na umano niya ito dahil pagkatapos niyang manganak ay magpapapayat na umano siya nang husto dahil gusto niyang balikan ang kanyang showbiz career. Since non-showbiz ang bagong boyfriend ni Karla, ayaw niya itong pangalanan kahit ito’y binata at walang sabit.  Ayon kay Karla, pinag-uusapan na umano nila ng kanyang nobyo ang pagpapakasal.   

Sa kabila na iba’t iba ang ama ng tatlong anak ni Karla, hindi naman umano nagpapabaya ang mga ama nito (liban kay Rommel Padilla) sa kanilang obligasyon sa mga bata.  Si JC ay regular na kasama ng kanyang amang si Naldy Padilla tuwing Biyernes hanggang linggo at may panahon din si Mike sa kanyang anak na si Margaret. Sa kabila na tatlo na ang anak ni Karla at may isa pang darating, hindi ito nagpapabaya sa kanyang negosyo sa Samar kung saan siya may farm. Pero aminado siya na miss na niya ang showbiz.
* * *
Matagal na umanong nasa-rehab ang dating sikat na male dancer na anak ng isang kilalang singer at nakababatang kapatid ng dalawang sikat na mang-aawit dahil naging gumon ito sa droga.  Ang kaisa-isang anak (babae) sa kasintahan nito ay nasa pangangalaga ngayon ng kanyang nakakatandang kapatid at asawa nito na siyang nagpapa-aral at nagbibigay ng mga pangangailangan ng bata.  Maganda ang bata at masuwerte ito dahil para ring anak ang turing sa kanya ng kanyang tiyuhin at tiyahin na maganda ang tayo sa buhay.   

Ang dancer  na nasa rehab ay dating miyembro ng isang sikat na all-male dance group.
* * *
Nakakalungkot namang isipin na hiwalay na rin ang mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga at ang pagiging babaero umano ni Janno ang dahilan. Marami na ring pinagdaanang trials  sa buhay ang mag-asawang Bing at Janno pero hindi natinag ang kanilang pagsasama hanggang sa muling sumambulat ang balita na hiwalay na nga ang mag-asawa.   

Ngayong hiwalay na sina Janno at Bing, magdesisyon kaya si Bing na mag-migrate sa Australia kung saan ngayon naka-base ang pamilya Loyzaga?   

Samantala, hindi sarado ang pintuan ng balikan sa estranged couple. Pero kapag nasanay na sila pareho sa buhay na hiwalay, tiyak na tuluy-tuloy na ito tulad ng ibang celebrity couples na sa tuluyang paghihiwalay nauwi.
* * *
Mukhang accepted na ng pamilya ni Kris Aquino ang kanyang kasintahang cager na si James Yap.  Sa death anniversary ni dating Sen. Ninoy Aquino, ginunita ng pamilya ni Kris ang kamatayan ng kanyang yumaong ama sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque. Kasama ni Kris si James at anak  kay Phillip Salvador na si Joshua.  Kung naka-dilaw na kasuotan si dating Pangulong Cory Aquino at mga kasamahan nito, ganoon din sina Kris, James at Joshua.   

May gap man ang magkapatid na Kris at Cong. Noynoy Aquino, nagbatian naman ang dalawa nang magkita sila sa libingan ng kanilang ama.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ANAK

CENTER

CESAR

ISLA BALLROOM

KANYANG

KARLA

SAMANTHA ANGELENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with