JayR sa kanta ibinubuhos ang sama ng loob
August 23, 2005 | 12:00am
Ang Footloose dance and musical play ang inaasahang magiging trademark ngayon ng R&B Prince na si JayR, na expected din na dadagsain ng kanyang mga fans sa kanilang palabas sa Setyembre.
First time ni JayR na makasama sa stageplay, pero perfect ang kanyang personality sa character ni Ren McCormack na ginampanan noon ni Kevin Bacon na sumikat noong 1984.
Kilala si JayR sa kanyang mga hit songs at swabeng dance moves mula sa kanyang mga shows at commercial.
"Flattering, pero kinakabahan din ako siyempre. But Im striving for the best," simula ni JayR.
At dahil first time ni JayR sa theater, medyo nanibago siya from R&B to Broadway music.
"Kasi nasanay ako sa R&B sounds na kulut-kulot ang tono. Samantalang sa Footloose totally diffirent dahil classical, magandang training on my part. And I learned a lot about discipline in theater. I just love to perform," paliwanag ni JayR.
First love talaga ni JayR ang singing. Nagsimula siyang tumugtog ng piano sa edad na 13 yrs. old. Hanggang nahiligan din niya ang drums at gitara.
Tatlong taon palang si JayR sa showbiz na born and raised sa California, pero mabilis ang pag-asenso ng career niya rito.
Palibhasay laking Tate kaya R&B sounds ang hilig nitong tunog.
"Swabe kasi ang dating sa akin ng R&B. Gusto ko yung type of sounds nito kasi simple lang siya, but if you listen ang hirap gawin. Mahirap mag-create ng simple songs that sound good and effective," ani JayR.
Mahilig din si JayR mag-compose ng poems na ginagawan niya ng music sa impluwensiya ng kanyang ate, na isa rin daw magaling na singer.
"Sa kanta ko na lang nilalabas yung galit ko, lahat ng sama ng loob ko. Because behind the light and glamour, Im just a regular guy," imporma ni JayR na feeling hanggang ngayon daw ay may nanlalait sa kanyang kakayahan.
Kung hindi raw siya singer ay gusto pa rin niyang magtrabaho behind the music scene. Kaya nagtatag siya ng sarili niyang record label na Back Home Music.
Pasuyo ni JayR na abangan siya ng mga kababayan natin sa San Francisco sa Aug. 27 sa Masonic Theater, kasama niya sina Geneva Cruz at John Lapus.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended