Dianne Sison ang name niya, 23 years old commercial model. Siya ang latest endorser ng Cream Silk at isa rin sa mga modelo na naga-appear sa komersyal ng Choco Mani.
Kasama siya sa cast ng Encantadia. Katunayan, narun siya sa pilot episode ng programa, namatay lamang siya kaya pansamantalang nawala sa istorya. Pansamantala, sabi ko, sapagkat muli siyang nagbabalik kasama ang iba pang mga namatay na tulad nina Richard Gomez, Ian Veneracion at Dawn Zulueta. Magkikita-kita muli silang lahat sa mga susunod na kabanata ng fantaserye ng GMA na napapanood Lunes hanggang Biyernes. Kasama raw sa script ang pagbabalik nilang lahat. Ito ang advantage ng isang fantasy, kung hindi talagang mananatili na lamang silang patay, bumalik man sila ay baka bilang mga zombie na lamang.
Mother ni Dingdong Dantes ang role ni Dianne sa Encantadia. Nakakatuwa kung iisipin na halos magka-edad lamang sila ni Dingdong na gumaganap ng role ni Ybarra/Ibrahim.
Graduate ng Theater Arts sa Ateneo ang baguhang artista na sobrang enjoy sa kanyang pag-aartista.
Isa rin siyang singer, myembro ng grupong Flavours na naka-kontrata sa Universal Records at GMA Records na na-feature kasama ang P4 sa Twin Hearts, isa pa ring serye ng GMA na nagtampok naman kay Pops Fernandez, Rudy Fernandez, Jestoni Alarcon at marami pang iba.
Pangunahing dahilan ng pagna-No. 1 ng programa ni Kuya Germs ay ang oras ng pagpapalabas nito. Kung dito sa atin ay marami nang natutulog kapag palabas ito, sa Amerika ay gising na gising ang mga tao sa pag-eere nito.
Second reason ay si Kuya Germs mismo. Kilalang-kilala kasi siya ng maraming Pinoy sa US, lalo na yung matagal nang naroroon. At di man siya kilala ng mga anak nila at mga bagets ngayon dun, dahil sa mga magulang nila ay nakikilala rin nila siya.
Third reason ay maraming artista na nag-gi-guest kay Kuya Germs ang kilala rin ng mga manonood, plus the fact na ang tipo ng palabas ni Kuya Germs ay ang palabas na iniwan nila sa Pilipinas.