Sinabi nito na naging tapat siya sa aktres dahil okey naman ang sweldo niya kaya lang, nakakaloka ang mga ginawa ng aktres na hindi niya malilimutan.
"One time, lasing ito at gustong puntahan ang bf na isa ring aktor. Nagkaroon kasi sila ng tampuhan kaya ayaw makipag-usap sa kanya ang nobyo. Nagpasama ito sa akin kung saan sumampa ito sa bakod habang nakatungtong siya sa aking balikat para lang kausapin ang natutulog na aktor. Nakakandado kasi ang gate dahil iniiwasan ang boss kong aktres. Nakaganda naman ito dahil nagkabati sila nang gabing yun," paliwanag nito.
Wala na siya sa poder ng pinaglilingkuran na aktres pero kapag naaalala niya ang kabaliwan nito ay natatawa na lang siya.
May replicas din ng movie superheroes mula kay Darna hanggang kay Lastikman at kakaibang koleksyon ng independent cinema equipment at iba pa.
Ang Pambansang Museo ng Pelikula ay sumasaklaw sa nakaraang 100 taon ng kasaysayan ng pelikula na siya ring tumutugma sa 100 taon ng kabansaan ng mga pelikula noong Enero 1, 1897 ng isang Kastila, si Señor Francisco Pertierra. Ito ay dagliang pumalit sa teatro bilang pinakamahalagang anyo ng libangang pangmasa. Sa pelikula nakita ng mga Pilipino ang kanilang pambansang katauhan.
Nanggaling din kasi ito sa angkan ng mga artista dahil tiyahin nito si Mila del Sol na kapatid ng tatay niya. Ang programa nitong Pilipinas Ngayon Na ay pinuri ni Commissioner Alfredo G. Gabot ng National Commission on Culture and the Arts dahil sa pagmamahal nito sa sining na bahagi ng tv show. Sa pamamagitan ng kanyang programa ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga manonood na mapagyaman ang kanilang kultura at magkaroon ng kaalaman tungkol sa magagandang tanawin sa bansa na ipinagmamalaki ng mga Pilipino.
Ipinakikita sa kanyang programa ang paglilibot sa National Museum on Arts and Culture ngayong Martes. Guests din sina Sec. Augusto Syjuco Jr. para sa Hanap Ko, Trabaho, Mayor Marides Fernando ng Marikina City para sa Biyaheng Pinoy at Deputy Commissioner Lilia Guillermo ng BIR. Magiging makabuluhan ang paksang tatalakayin sa Pilipinas Ngayon Na hosted by USEC Rivera na mapapanood tuwing Martes 6-7PM sa Channel 4.
Tiyak na matutuwa ang manonood sa apat na magkakaibang uri ng Original Filipino Music (OPM).
Natutuwa ito sa pagkakaroon ng Walk of Fame dahil ayon sa kanya hindi lang mabibigyan ng halaga ang mga artista, kundi gayun din ang mga sikat na singers at musicians.
Samantala, enjoy ang Asias Queen of Songs dahil kasundo niya ang cast ng Lagot Ka, Isusumbong Kita kung saan mommy ang turing sa kanya. Bihira ang nakakaalam na bukod sa pagiging magaling na singer ay mahusay din itong komedyante at may timing sa pagpapatawa.
Kaya naman noong magselebrayt ito ng birthday ay mas pinili niyang makapiling ang mga bata kung saan nagkaroon ito ng feeding program sa Philippine Childrens Medical Center.
Hindi pa tiyak ni Iza kung mabibigyan siya ng proyekto after Encantadia pero may balitang bubuuin ang loveteam nila ni Alfred Vargas. Bagay naman sila, di ba?
May dalawang pelikula sa Metro Manila Film Festival si Iza - ang Enteng Kabisote at Shake, Rattle and Roll 4.