Aktres, ibinuko ng dating PA
August 22, 2005 | 12:00am
Na-meet ko uli ang aking kaibigan na naging malapit sa sikat na aktres noon kung saan nagsilbi itong alalay, tsaperon at PA.
Sinabi nito na naging tapat siya sa aktres dahil okey naman ang sweldo niya kaya lang, nakakaloka ang mga ginawa ng aktres na hindi niya malilimutan.
"One time, lasing ito at gustong puntahan ang bf na isa ring aktor. Nagkaroon kasi sila ng tampuhan kaya ayaw makipag-usap sa kanya ang nobyo. Nagpasama ito sa akin kung saan sumampa ito sa bakod habang nakatungtong siya sa aking balikat para lang kausapin ang natutulog na aktor. Nakakandado kasi ang gate dahil iniiwasan ang boss kong aktres. Nakaganda naman ito dahil nagkabati sila nang gabing yun," paliwanag nito.
Wala na siya sa poder ng pinaglilingkuran na aktres pero kapag naaalala niya ang kabaliwan nito ay natatawa na lang siya.
Noong Biyernes ay inilunsad ang Pambansang Museo ng Pelikula kung saan naging punong abala sina Boots Anson Roa at Nick de Ocampo. Naiiba ang museo dahil makikita ang 100 year old film footages na nagpapakita sa US military occupation of the Phil. Islands, ang kopya ng Zamboanga ang pinakalumang pelikula, photo galaxy ng movie stars noon at ngayon kabilang na sina Atang dela Rama at Nora Aunor. Makikita rin ang mga kopya ng magazines at movie posters, awards, trophies at medals ng mga sikat na artista, lifesize photo reproduction ng movie stars mula kay Carmen Rosales hanggang kay Sharon Cuneta.
May replicas din ng movie superheroes mula kay Darna hanggang kay Lastikman at kakaibang koleksyon ng independent cinema equipment at iba pa.
Ang Pambansang Museo ng Pelikula ay sumasaklaw sa nakaraang 100 taon ng kasaysayan ng pelikula na siya ring tumutugma sa 100 taon ng kabansaan ng mga pelikula noong Enero 1, 1897 ng isang Kastila, si Señor Francisco Pertierra. Ito ay dagliang pumalit sa teatro bilang pinakamahalagang anyo ng libangang pangmasa. Sa pelikula nakita ng mga Pilipino ang kanilang pambansang katauhan.
Naging special guest sa paglulunsad ng Pambansang Museo ng Pelikula si Press Undersecretary Robert T. Rivera na malaki rin ang pagmamalasakit sa movie industry dahil isa ito sa aktibong miyembro ng executive committee ng Metro Manila Film Festival.
Nanggaling din kasi ito sa angkan ng mga artista dahil tiyahin nito si Mila del Sol na kapatid ng tatay niya. Ang programa nitong Pilipinas Ngayon Na ay pinuri ni Commissioner Alfredo G. Gabot ng National Commission on Culture and the Arts dahil sa pagmamahal nito sa sining na bahagi ng tv show. Sa pamamagitan ng kanyang programa ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga manonood na mapagyaman ang kanilang kultura at magkaroon ng kaalaman tungkol sa magagandang tanawin sa bansa na ipinagmamalaki ng mga Pilipino.
Ipinakikita sa kanyang programa ang paglilibot sa National Museum on Arts and Culture ngayong Martes. Guests din sina Sec. Augusto Syjuco Jr. para sa Hanap Ko, Trabaho, Mayor Marides Fernando ng Marikina City para sa Biyaheng Pinoy at Deputy Commissioner Lilia Guillermo ng BIR. Magiging makabuluhan ang paksang tatalakayin sa Pilipinas Ngayon Na hosted by USEC Rivera na mapapanood tuwing Martes 6-7PM sa Channel 4.
>Ang first episode ng ikaapat na anibersaryo ng Sis ay magsisilbing reunion ng magagaling na singers gaya nina Claire dela Fuente na nagpasikat sa "Sayang", Eva Eugenio ("Tukso") at jukebox queen na si Imelda Papin. Guests din si Andrew E. na sumikat sa "Humanap Ka ng Pangit", Salbakuta "Stupid Love", comebacking balladeer na si Raymond Lauchengco "So Its You", Richard Reynoso "Hindi Ko Kaya", Gino Padilla "Closer You and I", Fred Panopio "Bilmoko", Vincent Dafalong "Karta" at Masculados "Jumbo Hotdog".
Tiyak na matutuwa ang manonood sa apat na magkakaibang uri ng Original Filipino Music (OPM).
>Sa nakaraang launching ng Walk of Fame sa Eastwood ay isa si Pilita Corrales sa naging bisita. Pinuna namin ang kanyang seksing katawan na hindi pa rin nagbabago. Tuloy daw ang kanyang pagi-exercise daily at laging on-diet.
Natutuwa ito sa pagkakaroon ng Walk of Fame dahil ayon sa kanya hindi lang mabibigyan ng halaga ang mga artista, kundi gayun din ang mga sikat na singers at musicians.
Samantala, enjoy ang Asias Queen of Songs dahil kasundo niya ang cast ng Lagot Ka, Isusumbong Kita kung saan mommy ang turing sa kanya. Bihira ang nakakaalam na bukod sa pagiging magaling na singer ay mahusay din itong komedyante at may timing sa pagpapatawa.
Malaking bagay ang nagawa ng Encantadia sa buhay ni Iza Calzado bilang si Amihan. Ayon sa magandang aktres mas dumami ang mga tagahanga niyang mga bata. Kahit saan siya magpunta ay sinusundan siya ng mga ito at walang tigil sa pagtawag sa kanya ng Amihan.
Kaya naman noong magselebrayt ito ng birthday ay mas pinili niyang makapiling ang mga bata kung saan nagkaroon ito ng feeding program sa Philippine Childrens Medical Center.
Hindi pa tiyak ni Iza kung mabibigyan siya ng proyekto after Encantadia pero may balitang bubuuin ang loveteam nila ni Alfred Vargas. Bagay naman sila, di ba?
May dalawang pelikula sa Metro Manila Film Festival si Iza - ang Enteng Kabisote at Shake, Rattle and Roll 4.
Sinabi nito na naging tapat siya sa aktres dahil okey naman ang sweldo niya kaya lang, nakakaloka ang mga ginawa ng aktres na hindi niya malilimutan.
"One time, lasing ito at gustong puntahan ang bf na isa ring aktor. Nagkaroon kasi sila ng tampuhan kaya ayaw makipag-usap sa kanya ang nobyo. Nagpasama ito sa akin kung saan sumampa ito sa bakod habang nakatungtong siya sa aking balikat para lang kausapin ang natutulog na aktor. Nakakandado kasi ang gate dahil iniiwasan ang boss kong aktres. Nakaganda naman ito dahil nagkabati sila nang gabing yun," paliwanag nito.
Wala na siya sa poder ng pinaglilingkuran na aktres pero kapag naaalala niya ang kabaliwan nito ay natatawa na lang siya.
May replicas din ng movie superheroes mula kay Darna hanggang kay Lastikman at kakaibang koleksyon ng independent cinema equipment at iba pa.
Ang Pambansang Museo ng Pelikula ay sumasaklaw sa nakaraang 100 taon ng kasaysayan ng pelikula na siya ring tumutugma sa 100 taon ng kabansaan ng mga pelikula noong Enero 1, 1897 ng isang Kastila, si Señor Francisco Pertierra. Ito ay dagliang pumalit sa teatro bilang pinakamahalagang anyo ng libangang pangmasa. Sa pelikula nakita ng mga Pilipino ang kanilang pambansang katauhan.
Nanggaling din kasi ito sa angkan ng mga artista dahil tiyahin nito si Mila del Sol na kapatid ng tatay niya. Ang programa nitong Pilipinas Ngayon Na ay pinuri ni Commissioner Alfredo G. Gabot ng National Commission on Culture and the Arts dahil sa pagmamahal nito sa sining na bahagi ng tv show. Sa pamamagitan ng kanyang programa ay nabibigyan ng pagkakataon ang mga manonood na mapagyaman ang kanilang kultura at magkaroon ng kaalaman tungkol sa magagandang tanawin sa bansa na ipinagmamalaki ng mga Pilipino.
Ipinakikita sa kanyang programa ang paglilibot sa National Museum on Arts and Culture ngayong Martes. Guests din sina Sec. Augusto Syjuco Jr. para sa Hanap Ko, Trabaho, Mayor Marides Fernando ng Marikina City para sa Biyaheng Pinoy at Deputy Commissioner Lilia Guillermo ng BIR. Magiging makabuluhan ang paksang tatalakayin sa Pilipinas Ngayon Na hosted by USEC Rivera na mapapanood tuwing Martes 6-7PM sa Channel 4.
Tiyak na matutuwa ang manonood sa apat na magkakaibang uri ng Original Filipino Music (OPM).
Natutuwa ito sa pagkakaroon ng Walk of Fame dahil ayon sa kanya hindi lang mabibigyan ng halaga ang mga artista, kundi gayun din ang mga sikat na singers at musicians.
Samantala, enjoy ang Asias Queen of Songs dahil kasundo niya ang cast ng Lagot Ka, Isusumbong Kita kung saan mommy ang turing sa kanya. Bihira ang nakakaalam na bukod sa pagiging magaling na singer ay mahusay din itong komedyante at may timing sa pagpapatawa.
Kaya naman noong magselebrayt ito ng birthday ay mas pinili niyang makapiling ang mga bata kung saan nagkaroon ito ng feeding program sa Philippine Childrens Medical Center.
Hindi pa tiyak ni Iza kung mabibigyan siya ng proyekto after Encantadia pero may balitang bubuuin ang loveteam nila ni Alfred Vargas. Bagay naman sila, di ba?
May dalawang pelikula sa Metro Manila Film Festival si Iza - ang Enteng Kabisote at Shake, Rattle and Roll 4.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended