Bawal sabihin kung anong produkto ito kaya, abangan na lang natin at malapit na itong mag-air. The first time na may kumalat na ganitong tsismis, tinawanan lang ni Sharon at para patunayang mali yun, nagpa-interview siya sa telebisyon.
Ngayon, parang ayaw nang patulan ng megastar ang paulit-ulit na isyut hindi siya nag-react. Ang bago niyang TV commercial na lang ang magpapatunay that shes very much alive at busy nga raw sa pag-aasikaso sa bagong renovate nilang bahay sa Wack-Wack.
Wish ng common friends ng dalaway, hindi lang pang-Encantadia ang kanilang romansa. Sana raw, patuloy silang nagmamahalan kahit off-the-air na ang show.
Papayag nito si Janice dahil simula October o November ay magiging sister station na ng GMA-7 ang Ch. 11. Sanay na rin si Inah sa TV dahil madalas siyang lumabas sa Sis kasama ang mga kapatid.
Hindi rin kami magugulat kung mag-showbis din si Yuan, ang nag-iisang lalaking anak nina Janice at John. Mahilig sumayaw at kumanta ang bagets at hindi pa mahiyain.
Ang suggestion pa ng mga reporter, kay Pauleen Luna na ipareha si JC tutal naman ay nasa GMA-7 na ang dalaga. May kilig daw sa fans pag sila ang pinag-loveteam dahil dating niligawan ng young actor si Pauleen.
May intriga na sa kanilang dalawat, pinag-awayan pa nina Pauleen at Michelle Madrigal si JC. Ang problema lang, tila kay Nicole Anderson na ipinapareha ng Ch. 7 si JC. Sila ang pinagpapareha sa SOP Gigsters at sa guesting nila sa mga show ng istasyon, ipinapakilala silang magka-loveteam.