^

PSN Showbiz

Comatose issue kay Sharon, buhay na naman

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Nabuhay na naman pala ang tsismis na comatose si Sharon Cuneta kaya hindi napagkikita’t napapanood sa TV. Pero, madi-disappoint ang mga nagkakalat ng pangit at maling tsismis dahil buhay na buhay ang megastar. In fact, kagagaling lang niya sa ilang araw na pagbabakasyon sa Bangkok. Dumating si Sharon last August 14 at noong Aug. 17, nag-shoot agad ng bagong TV commercial.

Bawal sabihin kung anong produkto ito kaya, abangan na lang natin at malapit na itong mag-air. The first time na may kumalat na ganitong tsismis, tinawanan lang ni Sharon at para patunayang mali ‘yun, nagpa-interview siya sa telebisyon. 

Ngayon, parang ayaw nang patulan ng megastar ang paulit-ulit na isyu’t hindi siya nag-react. Ang bago niyang TV commercial na lang ang magpapatunay that she’s very much alive at busy nga raw sa pag-aasikaso sa bagong renovate nilang bahay sa Wack-Wack. 
* * *
Hindi lang sina Karylle at Dingdong Dantes ang real life couple sa Encantadia. Ibinalita sa amin na ilang months na ring on sina Girlie Sevilla (Gurna) at Marky Lopez (Wantuk) at sa tele-fantasy sila nagka-developan. Kaya pala, napagkikita silang magkasamang lumalabas kasama ang mga taga-Encantadia. Kontrabida ang role ni Girlie sa telefantasy at comic relief naman si Marky but in real life, napaka-sweet ni Girlie.

Wish ng common friends ng dalawa’y, hindi lang pang-Encantadia ang kanilang romansa. Sana raw, patuloy silang nagmamahalan kahit off-the-air na ang show. 
* * *
Magsu-showbis na rin pala si Inah Estrada, isa sa mga anak nina Janice de Belen at John Estrada. Pero, sa television ito papasok at hindi sa pelikula. Kinukuha ang 13-year-old teen ng Zoe Broadcasting Ch. 11 na mag-host sa isang pang-teenager show.

Papayag nito si Janice dahil simula October o November ay magiging sister station na ng GMA-7 ang Ch. 11. Sanay na rin si Inah sa TV dahil madalas siyang lumabas sa Sis kasama ang mga kapatid.

Hindi rin kami magugulat kung mag-showbis din si Yuan, ang nag-iisang lalaking anak nina Janice at John. Mahilig sumayaw at kumanta ang bagets at hindi pa mahiyain. 
* * *
Papayag kaya si Annabelle Rama sa obserbasyon ng mga reporter na kaya hindi masyadong umaabante ang career ni JC de Vera dahil walang ka-loveteam? Dapat daw may regular na ka-loveteam ang actor at hindi paiba-iba ang nakakapareha para madagdagan ang interest ng fans. 

Ang suggestion pa ng mga reporter, kay Pauleen Luna na ipareha si JC tutal naman ay nasa GMA-7 na ang dalaga. May kilig daw sa fans ‘pag sila ang pinag-loveteam dahil dating niligawan ng young actor si Pauleen.

May intriga na sa kanilang dalawa’t, pinag-awayan pa nina Pauleen at Michelle Madrigal si JC. Ang problema lang, tila kay Nicole Anderson na ipinapareha ng Ch. 7 si JC. Sila ang pinagpapareha sa SOP Gigsters at sa guesting nila sa mga show ng istasyon, ipinapakilala silang magka-loveteam.

ANNABELLE RAMA

DINGDONG DANTES

ENCANTADIA

GIRLIE SEVILLA

INAH ESTRADA

JANICE

JOHN ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with