Nauna na ang press sa Pinoy Big Brother
August 21, 2005 | 12:00am
Isa kami sa 12 press people na naging housemates sa Pinoy Big Brother.
Nung Miyerkules kami ipinasok sa Pinoy Big Brother house kung saan ang call time ay 9AM dahil kailangan pa kaming i-brief ni Ms. Ban na taga-Australia at siyang coordinator ng show sa pangangasiwa naman ni Direk Lauren Dyogi at Ms. Linggit Tan. Sa halip na 300 days ay 24 hours lang ang aming itatagal sa bahay.
Noong una ay kabado ako dahil baka pagawin kami ng mahihirap na physical task o yong ginagawa sa Fear Factor. Takot ako sa snake at ayaw ko ng exotic food.
Pero wala naman palang ganung problema. Lahat ng task na ipinagawa ay by groups. Unang task ay ang stationary bike kung saan kailangan naming maka-travel ng 250 kms mula 2NH hanggang alas-dose NH.
Sa unang bahagi ay bumagsak kaming lahat dahil sa halip na paa ang gamitin ay kamay ang ginamit sa pagba-bike ni Chit Ramos. Hindi kasi gumaganang mabuti ang bike at kailangang gumawa ng paraan para maayos ito.
Nakapasa kami sa unang task at bilang bonus, binawasan ito ng 50 kms. Sumunod na task ay ang pag-compose ng mga songs tungkol sa Pinoy Big Brother at hinati kami sa tatlong grupo. Pagkatapos ay prinisinta ito sa kasamahan with matching kanta at sayaw.
Sumakit ang tiyan namin sa katatawa sa ikatlong task dahil sa loob ng dalawang oras ay lalaki ang gagawa ng lahat ng bagay para sa mga babae at bawal naming gagamitin ang aming mga kamay, dapat nakahalukipkip lang ito sa ilalim ng aming blusa o t-shirt.
Komo dinner time, ang mga lalaki ang nagsusubo ng pagkain, nagpapainom sa mga babae at tiniis na huwag maihi dahil kailangan nilang samahan kami sa iisang bathroom.
May confession room at doon kami ipinatatawag ni Big Brother kung saan hindi namin siya nakikita pero naririnig lang ang boses niya na nagtatanong o nagbibigay ng instruction.
Ilan pa sa mga task ay ang pagba-budget ng pera (P9,000) sa ipamimiling pagkain kung saan sakto ang aming nagawa. Magaling pala sa Math si Jobert. Unstructured ang pamamaraan ng Pinoy Big Brother kung saan kapag hindi kami pinupulong sa living room ni Big Brother ay pwede kang magbasa ng libro, mag-swimming, mag-sungka at iba pa. Kinabukasan ay nagsimula kami sa exercise/dance sa saliw ng mabilis na tugtugin kung saan bawat housemate ay magiging lider.
Pinaka-nakakatakot na bahagi kinabukasan ay nang isa-isahin na ang nominated at di nominated na housemate. Tatlo ang nominated for eviction-sina Mario Bautista, Chit Ramos at Ron Romulo. Isa ang napili para mag-impake ng gamit at si Chit ang naunang lumabas ng Big Brother house.
Maya-maya, tinawag na ang tatlong survivors na mananatili sa Big Brother house-sina Jobert Sucaldito, Walden Belen at ang inyong lingkod habang pinalabas na ang ibang housemates. Para talagang naranasan namin na maging katulad ng Star Circle Quest competition habang magkakahawak kaming tatlo ng kamay. At finally, ang tinawag para lumabas nang sabay ay si Jobert at ang inyong lingkod. Natira si Walden na siyang nagwagi ng grand prize na 10,000. Deserving siya dahil magaling naman siyang leader.
Ano ang nagawa ng Pinoy Big Brother na ito sa aming lahat? Personally, nagkaroon kami ng bonding. Ang saya-saya namin at wala yata kaming ginawa kundi ang tumawa nang tumawa. Nakilala naming mabuti ang bawat isa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended