Dala-dala nito ang isang magasin na kung saan ay nasa cover siya at hindi karaniwang portrait ang ginawa nito kundi todo-todong pagpapaseksi. "Im proud of it. Anyway Im 24 years old at magaganda naman lahat ng shots," sabi niya.
"It shows how beautiful she is," anang nakatatandang kapatid niya na sumama sa kanya pagbalik niya rito. Shes as pretty as Nancy.
Inamin ni Nancy na miss na miss na niya ang role niya sa Encantadia na Muyak. "I love playing her. Aside from natsa-challenge ako na magsalita ng Tagalog. I also like being in a harness."
Bagaman at palagi na siyang nababalita kay Bullet Jalosjos na aniya ay karelasyon niya ng mga five or six months na ("Im not so sure. Wala kasi kaming weekly or monthly anniversary," pag-amin niya) wala pa silang pinag-uusapang kasal. "Both of us are not in a hurry to get married. Ako, talagang pinaghahandaan ko ito dahil Id like to get married only once," pagdidiin niya.
"Na-intimediate ako nang makuha ko ang role. Bukod sa maganda ang script, magaling pa ang direktor at ang mga makakasama kong artista na sina Ricky Davao at Irma Adlawan," ani Reggie.
Sixth movie ito ni Reggie (Kung Ako Na Lang Sana, Liberated, I Will Survive, Beautiful Life at Say That You Love Me ang unang lima).
Kasama rin siya sa soap na Saang Sulok ng Langit.