Ipagpasa-Diyos na lang ang kaso ni Nida Blanca
August 19, 2005 | 12:00am
Nahalata rin pala ni Justice Secretary Raul Gonzales na tila walang nangyayari sa kaso ng pagkakapaslang kay Nida Blanca, kaya ang ginawa niya ay binalasa niya ang prosecution team na humahawak ng kasong yon. Isipin ninyo, ilang taon nang patay si Nida, at sa ngayon ay practically wala nang nalabi sa kanyang katauhan, bulok na siya sa ilalim ng lupa, pero wala pa ring nangyayari sa kaso ng pagkakapaslang sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa pormal na nababasahan ng sakdal sa korte ang kanilang primary suspect na si Rod Strunk, na ayaw namang pabalikin ng mga Kano dito sa ating bansa dahil wala naman daw matibay na ebidensiya laban doon.
Hindi mo naman sila masisisi. Napakahina talaga ng ating imbestigasyon. Isipin ninyo, makalipas ang apat na taon at saka lamang lumantad ang mga testigong nagsasabing nakita nila mismo ang pagpaslang kay Nida. Bakit inabot ng ganoon katagal bago sila lumantad? At ano ang katiyakan na hindi rin sila babaliktad sa kanilang statement pagdating ng araw, eh uso iyan sa mga witnesses ngayon?
Ang kailangan sana ay isang matibay na ebidensiyang magdidiin kay Strunk kung siya ngang talaga ang salarin.
Kaso, naaasikaso lamang naman ang pagpaslang kay Nida kung may malaking problema. Kagaya ngayon na nagbabanta na naman ang pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa EVAT na iginigiit ng gobyerno, at ang tumaas na singil sa kuryente at tubig, at tumaas ding halagang mga pangunahing bilihin. Ginagawang pang-aliw sa publiko iyang kaso ni Nida eh. Kung makalusot na sila sa mga problema, wala na namang maririnig tungkol sa kaso ni Nida.
Kaya kami nga sa palagay namin, wala na ring mangyayari sa kasong iyan. Ipagpasa-Diyos na lang natin yan.
Hindi namin alam kung papaano pa maikakaila ng isang male star ang mga tsismis na bading siya ngayong may isang male extra na lumantad at nagsasabing may nangyari nga sa kanilang dalawa ng bading na malestar. Sinasabi ng extra, minsan daw ay inanyayahan siya ng male star sa isang lugar out of town, at kinagabihan, hinalay daw siya ng bading na male star. Hindi na lang daw siya kumibo noon dahil nangako namang tutulungan din siya sa kanyang career, kaso ang pangako ay napako.
Hindi mo naman sila masisisi. Napakahina talaga ng ating imbestigasyon. Isipin ninyo, makalipas ang apat na taon at saka lamang lumantad ang mga testigong nagsasabing nakita nila mismo ang pagpaslang kay Nida. Bakit inabot ng ganoon katagal bago sila lumantad? At ano ang katiyakan na hindi rin sila babaliktad sa kanilang statement pagdating ng araw, eh uso iyan sa mga witnesses ngayon?
Ang kailangan sana ay isang matibay na ebidensiyang magdidiin kay Strunk kung siya ngang talaga ang salarin.
Kaso, naaasikaso lamang naman ang pagpaslang kay Nida kung may malaking problema. Kagaya ngayon na nagbabanta na naman ang pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa EVAT na iginigiit ng gobyerno, at ang tumaas na singil sa kuryente at tubig, at tumaas ding halagang mga pangunahing bilihin. Ginagawang pang-aliw sa publiko iyang kaso ni Nida eh. Kung makalusot na sila sa mga problema, wala na namang maririnig tungkol sa kaso ni Nida.
Kaya kami nga sa palagay namin, wala na ring mangyayari sa kasong iyan. Ipagpasa-Diyos na lang natin yan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am