Maricel, from sitcom to soap
August 19, 2005 | 12:00am
Marami ang hindi nakakaalam na bagaman at isang mahusay na komedyante si Maricel Soriano, equally good din siya in drama. Aware dito ang ABS CBN kung kaya sa kanya ipinagkatiwala ang isang bagong soap opera na ididirihe ni Joel Lamangan, tungkol sa isang Vietnamese girl na naging biktima ng digmaan sa Vietnam, tumakas at napadpad sa Pilipinas. Inari itong anak ng isang Pinay at natuto sa buhay ng mga Pinoy. Ayaw siyang patahimikin ng kanyang nakaraan. Kapag natuto lamang siyang harapin ito at saka lamang siya magkakaron ng katahimikan.
Inamin ni Maria na pinag-isipan niya ng mabuti bago niya tinanggap ang Vietnam Rose. "Para kasing gumagawa rin ako ng pelikula, at parang mas mahirap pa nga dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ito tatakbo. Basta trabaho lang ako nang trabaho," anang babaeng naniniwala na sa buhay ay di siya dapat mag-expect masyado para di siya ma-disappoint.
Lalagyan daw ni Lamangan ng magic realism ang serye, tulad ng kapag masaya si Maria ay uulan ng bulaklak, etc. O di ba, interesting?
Kasama niya sa Vietnam Rose sina Ricky Davao, Gina Alajar, Jay Manalo, John Estrada, Luis Alandy, Angelica Panganiban, AJ Dee, Joseph Bitangcol, Michelle Madrigal, Christopher Peralta at Jason Abalos.
Para maging mas makatotohanan ang serye, pumunta sila Maricel sa Ho Chi Minh Vietnam at kumuha ng mga eksena.
Lalo pang sumikat ang bandang Parokya ni Edgar sa paglabas ng komersyal ng Rexona, kahit pa ang mas binigyan ng major role dito ay ang soloista ng grupo na si Chito Miranda.
Sampung taon na ang grupo sa recording. Nagsimula sila bilang class clowns sa Ateneo high school, nadiskubre sa kanilang gigs sa Club Dredd, nag-recording ng mga multi-platinum songs & albums, gumawa ng mga award-winning videos at nagbiyahe sa ibang bansa.
May bagong album ang grupo mula sa Universal Records. Pinamagatang "Halina sa Parokya", muling makikita dito ang humor ng grupo at mga artwork na kumuha ng inspirasyon sa kampanya ng Dept. of Tourism at sa mga popular na palabas na Sesame Street at Batibot.
Nasa album din ang popular na "First Day Funk", "Mang Jose", isang super hero na kailangang bayaran para maging tagapag-ligtas, "Walang Nangyari", spoof ng "Andrew Ford Medina" ni Andrew E, "Papa Cologne", dedicated sa grupong Masculados, "Bagsakan", isang kolaborasyon nila ni Francis M at Gloc 9, "Name Fun", spoof ng "Name Game" at "The Ordertaker", spoof ng Toxicity.
Inamin ni Maria na pinag-isipan niya ng mabuti bago niya tinanggap ang Vietnam Rose. "Para kasing gumagawa rin ako ng pelikula, at parang mas mahirap pa nga dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ito tatakbo. Basta trabaho lang ako nang trabaho," anang babaeng naniniwala na sa buhay ay di siya dapat mag-expect masyado para di siya ma-disappoint.
Lalagyan daw ni Lamangan ng magic realism ang serye, tulad ng kapag masaya si Maria ay uulan ng bulaklak, etc. O di ba, interesting?
Kasama niya sa Vietnam Rose sina Ricky Davao, Gina Alajar, Jay Manalo, John Estrada, Luis Alandy, Angelica Panganiban, AJ Dee, Joseph Bitangcol, Michelle Madrigal, Christopher Peralta at Jason Abalos.
Para maging mas makatotohanan ang serye, pumunta sila Maricel sa Ho Chi Minh Vietnam at kumuha ng mga eksena.
Sampung taon na ang grupo sa recording. Nagsimula sila bilang class clowns sa Ateneo high school, nadiskubre sa kanilang gigs sa Club Dredd, nag-recording ng mga multi-platinum songs & albums, gumawa ng mga award-winning videos at nagbiyahe sa ibang bansa.
May bagong album ang grupo mula sa Universal Records. Pinamagatang "Halina sa Parokya", muling makikita dito ang humor ng grupo at mga artwork na kumuha ng inspirasyon sa kampanya ng Dept. of Tourism at sa mga popular na palabas na Sesame Street at Batibot.
Nasa album din ang popular na "First Day Funk", "Mang Jose", isang super hero na kailangang bayaran para maging tagapag-ligtas, "Walang Nangyari", spoof ng "Andrew Ford Medina" ni Andrew E, "Papa Cologne", dedicated sa grupong Masculados, "Bagsakan", isang kolaborasyon nila ni Francis M at Gloc 9, "Name Fun", spoof ng "Name Game" at "The Ordertaker", spoof ng Toxicity.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended