Edu Manzano magsasampa ng libel, sa nag-claim na nambugbog siya

Hindi naman pala totoong nambugbog si OMB Chairman Edu Manzano ng isang driver ng 10-wheeler truck.

Imagine, tatlo palang malalaking tao ang nakasakay sa dambuhalang truck at may kasamang dalawang babae, so paano raw ‘yun kakayaning bugbugin ni Edu na nagso-solong nagda-drive ng SUV, kuwento ng isang eye witness sa insidente.

Marami kasing nakapanood na nagpa-interview ang nagki-claim na victim kahapon. Pero mismong ang source na ang nagsabi na ayaw bumaba ng driver ng ten wheeler truck nang mahagip nito ang SUV ni Edu na naka-stop sa Buendia corner Makati Ave.

So ang nangyari raw, bumaba si Edu ng kotse niya at pilit na pinababa ang driver ng truck para mag-usap sila sa damage ng kanyang sasakyan. Pero instead daw na bumaba ang driver, nagmatigas daw ito as if walang nangyari habang nakikipag-lambingan sa isa sa dalawang babaeng nakasakay sa harapan ng truck.

Ayon pa sa source, inamin ng driver sa Unang Hirit na ang mga babaeng nabanggit ay isinama lang nila at ang the height pa raw, amoy alak ang mga sakay ng truck.

Ayaw mag-comment ni Chairman Manzano tungkol sa issue except sa sinabi niyang kakasuhan niya ng libel ang nagsabing nambugbog at nanampal siya.
* * *
Kailangan n’yo ba ng hustisya pero wala naman kayong pera na pambayad sa abogado? ‘Wag nang mag-worry dahil merong isang radio program na sure akong magbibigay ng katarungan sa inyo nang walang kapalit na bayad - ang Hustisya Para Sa Lahat hosted by DOJ Sec. Raul Gonzales, State Prosecutor Olive Non at PSN columnist Tony Calvento (Calvento Files).

Maririnig ang Hustisya Para Sa Lahat every Saturday sa DWIZ, 882khz sa AM Band, 7:30 in the morning.

Katulad nang nasimulan na ni Mr. Calvento, tutulong ang Calvento Files sa ating mga kababayang naging biktima ng karahasan, naagrabyado, inaagrabyado at sasagutin anumang legal problems na ilalapit ninyo.

Kasabay nito, nagbukas na rin sila ng isang lugar kasama ang Department of Justice sa 5th floor, City State Tower Bldg., Shaw Boulevard., Pasig City. May telephone number silang 638-7285 (direct line) o para mas madaling tandaan ay 638-RAUL, ang number na ibinigay ng PLDT kay Justice Secretary. Ang iba pang telephone number ay 637-3965 up to 70. Ang PLDT and Smart ang major sponsors ng programa.

Bukas ang kanilang office from 9:00 a.m. to 6:00 p.m., Monday to Friday and 7:00 to 12:00 a.m. every Saturday.

"Dati ko na itong ginagawa, ngunit pansamantalang nahinto. Ngayon, handa na ang inyong lingkod na maglaan ng panahon para muling makatulong sa nangangailangan.

"I will make myself available para sa mga kababayan nating gustong magdulog sa Calvento Files. Pero nais kong linawin na hindi namin kayang aksyunan ang mga problema na tungkol sa financial assistance," adds Mr. Calvento.

"Sa pamumuno ni Sec. Gonzales ng DOJ, ang mga ahensya na direktang nasa ilalim ng Departamento ay buo ang suporta na mabigyan ng hustisya ang bawat kasong ilalapit ninyo sa amin," diin pa ni Mr. Calvento.

Libre at walang bayad ang tulong na ipagkakaloob nila sa ating mga kababayan.
* * *
Bukod sa seven counts of libel na isinampa ng magazine editor na si Ms. Jo-Ann Q. Maglipon against actress Claudine Barretto last Monday, naka-schedule din itong mag-file ng counter charge sa actress sa naunang defamation charge na isinampa ni Claudine.

Sa libel ni Ms. Jo-Ann, naging basehan ng pagsasampa ng kaso ang statement ni Claudine sa mga "interviews on radio, television, and newspapers that began three weeks ago and continued for days, during which she accused the veteran journalist of irresponsible reporting."

Si Ms. Jo-Ann na kilala sa kanyang countless articles, critiques, reviews, and books in a journalism career sa loob ng three decades, filed the cases in Pasig City, Quezon City and Mandaluyong City.

Si Ms. Jo-Ann na editor-in-chief ng YES! magazine and executive editor of Hi!, both entertainment magazines, said she was compelled to file the libel cases to protect a journalistic reputation which she said she built with hard work over the years.

She also accused Barretto of making defamatory statements in the media "for the purpose of exposing me to public hatred, contempt and ridicule."

Sa kanyang complaint-affidavit, Maglipon said the "respondent has pictured me as a rude, uneducated and insensitive person who would resort to illegal, dangerous and even fraudulent means in order to earn a living."

"There is no truth to these allegations," she said.

Ang nasabing libel ay na-trigger sa statement ni Claudine sa ABS-CBN last July 22 kung saan nagsabing nakaw ang mga kuhang photos sa binyag ng adopted child niya (Claudine) na na-print sa Hi! magazine without her permission.

Nasundan ito ng radio and newspaper interviews na nagsabing ang photos ng kanilang bahay na ipinatatayo ni Raymart (Santiago) at mga pictures na kuha sa set of Marina, ang dating fantasy series ni Claudine ay na-print sa Hi! nang wala rin siyang knowledge and permission.

Nakasaad pa sa counter affidavit ni Ms. Jo-Ann na ang mga photos sa binyagan ay galing kay Ronald Carballo isa sa mga ninong. Wala naman umano silang nakikitang masama, kundi isa pa nga itong publicity opportunity, samantalang ang Loyola Grand Villa house ay nauna nang na-publish sa ibang publications.

Tungkol naman sa mga photos na lumabas na kuha sa set ng Marina, "The pictures of the Marina set, were not taken by Pat Marcelo, but by members of the cast who volunteered the same to the magazine. (These cast members were duly acknowledged as the photographers.)

"Pat Marcelo, whom Barretto charged as having used a pseudonym to infiltrate the set and take unauthorized pictures, was actually a member of the cast where she was one of the mermaids," Ms. Jo-Ann said.

Sinabi pa ni Ms. Jo-Ann na she was never on or near a set of Marina, which Barretto also alleged in her defamation suit against the journalist.

"These are all lies and could only come from the imagination of someone who is hallucinating," said Maglipon.

She also said in her complaint that Barretto’s statements: "have damaged my reputation by saying that I am an irresponsible journalist, that I have no respect for entertainers like her, that I distort facts to create a controversy, that I am responsible for security threats to her house and I use illegal and fraudulent means to get a story.

"I absolutely deny having committed these acts as alleged by Barretto and I am certainly not the person she has made me out to be to the public."
* * *
Salve V. Asis’ e-mail: salve@philstar.net.ph

Show comments