^

PSN Showbiz

Ayaw sa Pinoy ni Andrea!

- Veronica R. Samio -
Madalas tudyuin ang Hot Babe na si Andrea del Rosario dahil ang mga huling naging boyfriends niya ay pawang mga foreigner – Frenchman, Spanish, Polish at kung nagkatuluyan lamang ay baka sa Amerikanong si Vin Diesel ay napa-ugnay din siya pero, galit sila ng aktor na Kano dahil sinabi nito sa isang write-up na hate niya ang isang Filipina actress. "Tinext ko siya, sabi ko hate ko rin siya. Yun na ang huling communication namin," anang sexy actress.

Ayaw ba niya sa Pinoy?

"Hindi naman sa ayaw. Katunayan, nagkaro’n ako ng isang boyfriend na Pinoy, isang race car and motorbike driver. Mga six months din inabot ang relasyon namin."

Yung pinaka-huli niya, yung Polish na si Rafael ay umalis na for Milan and Germany dahil may gagawing komersyal. Babalik ito within the year. "Nagti-text kami, email, minsan telefono. Ang gulu-gulo kasi ng relasyon namin. Minsan feel ko na hindi siya seryoso o baka naman dahilan ito sa madalas na di kami nagkikita dahil magkahiwalay ang trabaho namin."

Kung may naging relasyon siya na talaga namang matindi para sa kanya, ito yung sa Frenchman. Katunayan, pumunta pa siya ng France para makapiling ito at makilala ang pamilya nito. "Nag-aral din ako ng French para mas magkaintindihan kami," sabi niya. "Nawala rin siguro dahil may iba na akong priority ngayon, siya rin siguro. At the time na mag-on kami, ako ang priority niya at ako rin sa kanya.

"I date around pero, walang commitment. After my heartbreak from the Frenchman, parang na-trauma na ako. Tingin ko iniba niya ang perspective ko sa buhay," sabi niyang may halong lungkot.

Presently, abala siyang magpa-balik-balik ng Pampanga na kung saan ay nagti-tape siya ng Gulong ng Palad, isang drama series ng ABS CBN na kung saan ay ginagampanan niya ang role na ginampanan sa original TV show ni Beth Bautista. Tampok sa series si Kristine Hermosa. Marami rin siyang out of town shows. Kababalik lang niya ng Dubai na kung saan ay nag-show sila ni Luke Mejares. Mayro’n sana siya sa US ngayong buwan pero, di natuloy dahil sa Gulong. Sa Disyembre ito matutuloy at kasama pa rin siya.
* * *
Unaware si Melanie Marquez na may kumakalat na pekeng Renew Placenta soap na ini-endorso niya partikular na sa 168 shopping stalls na matatagpuan sa Divisoria at maging sa botika ng mga Intsik sa Ongpin at Sta, Cruz, Manila.

Nananawagan ito at maging ang distributor ng Renew Placenta, ang Psalmstre Ent., na suriin ang produkto na binibili nila. Ang orihinal na Renew Placenta ay di natatanggal ang sticker sa ibabaw dahil ito ay printed, hindi malambot ang laman, di masangsang ang amoy at nakasulat sa kahon ang "Phil. Marketing? Excellence Award" logo.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

BETH BAUTISTA

DAHIL

EXCELLENCE AWARD

GULONG

HOT BABE

NIYA

RENEW PLACENTA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with