Maui, di type si Jen!

Handang balikan ni Maui Taylor ang Viva Hot Babes pero, tila hadlang dito si Jen Rosendahl.

"Naiilang kasi akong makasama siyang muli. Although, willing naman akong makasama ang iba pang mga dati kong ka-grupo. But I’m not closing the door na makipag-peace sa kanya," sey ni Maui.

Nilinaw rin ni Maui na kahit kailan ay hindi sila naging mag-on ni Bryan Revilla, anak ng mag-asawang Lani Mercado at Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr.

"I admit na naging magkaibigan kami at lumalabas paminsan-minsan pero, never kaming nag-on. He did not court me pero kung magseseryoso siya at liligawan niya ako, why not?" dagdag pang sabi nito.

Abala si Maui para sa stage play na ididirek ni Direk Elwood Perez, ang Private Parts.

"Hindi ba matamlay ngayon ang mga movies lalo na’t sexy films, kaya try ko naman itong mga stage play. Saka maganda naman ang kwento ng play ni Direk Elwood."

Mariing itinanggi niyang kasama rin siya sa mga tinutukoy na "jueteng beauties."

"Porke wala na akong movies, isinali na nila ako. ‘Wag naman... pls! ‘Pag wala ako sa bansa, nasa abroad po ako at nagtatrabaho. Wala sa mga ipinundar ko ang nanggaling sa jueteng! Saka, nag-aaral pa rin ako," depensa pa nito. – BONI A. CASIANO

Show comments