Kaya raw natagalan bago ito maipalabas maski na napakatagal na panahon na itong nabili ng Dos dahil nga walang gustong tumanggap ng nabanggit na programa.
At bukod tanging si Laurenti Dyogi na lang ang napaki-usapang tanggapin ang nabanggit na project na magsisimula na nga this month.
Tatanggalin na ang segment na may pakontes at papalitan ng mga pampakilig na segment. May mawawala at may papasok na bagong hosts ng Fanatics dahil napansin daw ng staff ng programa na hindi magkaka-tsika ang ilang hosts at dito rin nagsimula ang mga away-away.
Aalamin pa this Sunday sa Davao para sa Kapamilya Caravan kung sinu-sino sa mga young stars ang titilian ng husto at kung sino ang nakitaan ng chemistry.
Samantala, gaano katotoo na hindi na feel ni Bea Alonzo na mag-host ng Fanatics dahil may co-host siyang hindi niya feel?
Hindi raw halatang may tama ang nabanggit na ale dahil maganda naman itong manamit at normal kausap at may mga binabanggit pa siyang pangalan ng staff at artista na kakilala niya kaya pinapapasok siya ng mga guwardiya.
Loyal studio viewer pala siya ng Sis kaya knows niya ang mga names ng staff, kasama na ang tatlong hosts na sina Janice and Gelli de Belen with Carmina Villaroel.
Nung mag-taping sila last week na sumasayaw ang dating Viva Hot Babe na si Sheree, ikinagulat ng lahat dahil biglang pumunta sa gitna at nakisayaw.
"Daay, naloka si Sheree, dedma siya nung una, kaso nung tumagal na, sumenyas na siya sa staff, e, yung staff na nakakakita, hindi naman knows kung ano yung sine-senyas ni Sheree buti na lang, may ibang nakapansin at sumigaw na ng cut! yung floor director. Pina-upo na lang yung ale," pahayag pa.
Ipinalabas ang nabanggit na episode ni Sheree last Monday at pina-edit na lang ang parting kasama niyang sumasayaw ang babae.
Kayat binilinan na ng mga staff ng bawat show na kapag nakalusot uling makapasok ang ale ay bantayan ito at huwag hiwalayan dahil baka hindi na niya kayang kontrolin ang sarili. REGGEE BONOAN