Minsan ay nag-away nga sila at dahil nauubusan siya ng Ingles at hindi ma-express ang gusto niyang sabihin ay nagtatalak ito sa wikang Tagalog. Nagalit si Alex dahil hindi naman siya maintindihan nito dahil konti pa lang ang alam nito sa Tagalog.
Kaya nga gusto ni Ethel na pag-aralin si Alex ng Tagalog. Isa pa, may offer itong gawin ang Zuma. Gusto rin nitong maging artista ang bf pero hindi siya papayag na maghubad ito.
Pumirma na si Buboy ng two-year contract sa Miramax.
Magiging abala rin ito sa pagpunta sa ibat ibang international film festivals gaya ng Hawaii at Tokyo, kung saan naimbitahan ang kanyang Panaghoy sa Suba.
May entry sa Metro Manila Film Festival si Cesar titled Fatherland sa direksyon ni Gil Portes pero, di tiyak kung makakapasok ito sa Jan. 1 playdate.
Nababalitaan ni Bianca na may anak pa rin si Vhong sa iba na nasa Amerika. Pinabulaanan nito ang balitang hindi siya maka-move on kumpara sa ex-hubby. Katunayan ay may boyfriend ito na nagngangalang Raymond Morente na isang model. Katulong ito sa pag-aasikaso ni Bianca ng Artista Salon na magkakaroon ng branch sa España.
Gaano katotoo na ito rin ang tumutulong para magkaroon siya ng mga negosyo?
Ang sikat na aktor ay hindi nababakante sa soap opera dahil magaling umarte.