^

PSN Showbiz

Konsehal ng QC, mahilig sa sexy!

- Veronica R. Samio -
Hindi kaya inisip ni Konsehal Ariel Inton ng 4th Dist., Quezon City na muli na namang ikakabit ang kanyang pangalan sa grupong Hotcakes, matapos na anyayahan niya ang grupong ito ng mga seksing babae para sa pagbubukas ng basketball tournament na itinataguyod ng Wednesday Club sa unang anibersaryo ng pagkakatatag nito? Kasapi ang majority floorleader ng konseho ng Lungsod Quezon sa samahang ito na magdiriwang sa pamamagitan ng isang palaro na gaganapin ngayong 7NG sa Sct. Chuatuco, QC.

Ang Hotcakes ay mga recording artists na ang awitin ay pawang mga sexy songs tulad ng "Hihimas-Himasin Ko", "Kay Hapdi", "Tigasin" at "Sisiran Tayo".

Bago ang Hotcakes, na-link na rin si Konsehal Inton kay Tintin Bautista na isang myembro ng grupong D’Bodies ng WaterPlus Productions.
* * *
Maraming matututunan ang marami sa atin tungkol sa mga bagay na pwede nating asahan sa ating mga barangay. Ang mga paglilingkod na pwedeng gawin nito at tulong na kaya nilang ibigay.

Ang lahat ng ito’y pwede nating malaman sa bagong programa na ilulunsad ng RPN 9 sa Setyembre 3, 5-6NH na pinamagatang Barangay ang Bida. Host ang National President ng Liga ng mga Barangay sa buong Pilipinas na si James Marty Lim.

Ang Barangay ang Bida ay hindi lamang isang public service program bagaman at isa ito sa segment ng show kundi isang tele-magazine program na bibigyan tuon ang mga mamayan ng mga barangay at hindi ang barangay mismo.

Ang iba pang bahagi ng programa ay ang mga sumusunod: "Barangay Bigay" na magbibigay katuparan sa mga simpleng kahilingan ng iba nating kabarangay; "Super Nanay ng Barangay", magpupugay naman sa mga natatanging ina ng tahanan; "Barangay Impossible" na magpapakita ng kakaibang talento ng mga natatagong barangay; "Barangay Lakbay", magtatampok sa mga magagandang tanawin sa bansa; "Barangay Chibugan" didiskubre ng natatanging sarap ng mga lutong Pinoy; "Barangay ‘Showdown". Magpapakita ng kakaibang galing sa sayawan ng mga kabataan at ang "Barangay Idol" na magtatampok sa kabarangay natin na naglilingkod sa kapwa na bidang-bida ang dating.

Kasabay sa paglulunsad ng nasabing TV program ay ang kakambal nitong programa sa radyo, sa Veritas 846mhz na mapapakinggan Biyernes, 3-4 NH.
* * *
E-mail: [email protected]

ANG BARANGAY

BARANGAY

BARANGAY BIGAY

BARANGAY CHIBUGAN

BARANGAY IDOL

BARANGAY IMPOSSIBLE

BARANGAY LAKBAY

BIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with