Anak ni Isabel Lopez, champion sa surfing

Dalagita na pala ang panganay na anak nitong beauty queen at aktres na si Maria Isabel Lopez. Fourteen years old na itong si Mara Isabella Lopez at napapanood sa ASAP Fanatics ng ABS-CBN.

Member na rin siya ng bagong batch ng Star Circle ng ABS-CBN. Although meron na siyang karanasan sa paggawa ng pelikula dahil nakalabas na siya sa mga pelikulang Masarap Na Pugad bilang batang Aleck Bovick at cameo role sa Lastikman nina Sarah Geronimo at Mark Bautista, pangarap ni Mara Isabella na makagawa ng sariling pelikula.

Lingid sa kaalaman ng marami, naging print model siya ng Merit Notebook and Paper Company nung 1997 at dalawang taon na ring image model ng Marc and James of England Perfumes.

Tinanghal at kinilala rin siyang pinakabatang Pinay surfer ng Surfing Association of the Philippines Inc. (SAPI) simula pa nung 1995 at naging kampeon para sa Ladies Open ng First La Union Surfing Festival 2001 at pinakabatang kampeon ng Pilipinas Game KNB? ni Kris Aquino.

Bukod sa pag-aartista at pag-aaral sa OB Montessori Greenhills, type rin ni Mara Isabella na maging ambassador o flight stewardess balang-araw. — Boni A. Casiano

Show comments