Alfred, papatayin sa ‘Daisy Siete’

May bagong bini-build-up ang Focus E. Incorporated ngayon, ang producer ng Daisy Siete, sina Jovel at Danielle na parehong singer at dancer. Ang dalawa ang kumanta ng theme song ng Season 7 ng Daisy Siete. Dahil parehong may talent, nagdesisyon si Joy Cancio na isama na rin sila sa Daisy Siete.

Nag-usap sina Joy at Direk Pat Perez, kung paano pwedeng ipasok sina Jovel at Danielle sa istorya. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap dahil sa Season 8, maganda ang naging pasok nina Jovel at Danielle. Parehong estudyante na may isang crush. Karaniwan na itong nangyayari sa magkaibigan.

"Pero sa drama lang po nangyayari yan. Sa tunay na buhay, hindi ko pinangarap na mag-agawan kami ni Jovel sa iisang lalaki," sabi ni Danielle.

Ganito rin ang pahayag ni Jovel.

Sa Daisy Siete, kinidnap si Danielle sa istorya. Nakakatakot daw palang makidnap. Nagsilbing leksyon tuloy ito na maging maingat sa lahat ng pagkakataon.

Mahusay umarte si Danielle at maganda ang PR. Sa mga get together party ng Daisy Siete, isa si Danielle sa mga ma-PR sa mga bisita. Ganun din naman si Jovel, medyo mahiyain nga lang ang dating niya.

Ayaw sagutin ng dalawa, yung katanungan namin, mamamatay ba sa istorya si Alfred Vargas?, na bagong pag-ibig ng bagong Nora Aunor ngayon ng showbiz na si Rochelle Pangilinan. Bawal daw magsabi dahil baka mawalan na ng gana ang mga manonood ng Daisy Siete. Maging si Rochelle nga ay tumatangging magbigay ng kasagutan sa kalagayan dito ni Alfred V.

Malapit na kasi ang ending ng top rated TV show sa GMA tuwing matatapos ang Eat Bulaga. — Vir Gonzales

Show comments