"Talagang gusto kong matandaan ng tao bilang isang mang-aawit," hiling ni Raymond. "Singing is what I do best."
Pakiramdam niya, natupad na naman ang isang pangarap nang mailabas na ang kanyang bagong Raymond Lauchengco album mula sa Vicor Music Corp.; after almost two decades na wala siyang nagawang plaka.
Kasama sa bagong CD ang bagong kantang "Save Me A Dream", ang carrier single na "Tunay Kitang Minamahal" na sinulat ni Ogie Alcasid, isang kantang Español na una niyang narinig sa kanyang mga parents– "Somos Novios," "As If We Never Say Goodbye" na paborito niyang kanta sa Broadway musical "Sunset Boulevard" at ang "The First Time I Saw You" ni Nori Villena.
Syempre kasama ang kanyang signature song na "Saan Darating Ang Umaga" na una niyang ini-record 20 years ago.
"I was only 17 when I first did the song," balik-tanaw ni Raymond. "Una kong narinig sa demo tape ang kanta na sipol lang ng dakilang composer na si George Canseco. Sa recording studio na niya nilagyan ng lyrics. He is really a genius. Natapos ni Mr. Canseco ang kanta in 30 minutes. Ni-record ko naman agad and I felt I didn’t do justice to the beautiful song."
Kahit ano pa ang sabihin ni Raymond, naging Pilipinong pop classics ang "Saan Darating Ang Umaga". After more than 20 years, nag-record siya ng bagong version na dapat na mapakinggan ninyo. Tiyak na ito na ang definitive version ng walang-kamatayang likha ni Canseco.
Sa 16 na kanta sa bagong Raymond Lauchengco album, kasama rin ang mga bagong versions ng kanyang mga hits tulad ng "I Need You Back," "Farewell" na naging graduation anthem na.
Noong mga panahon na pansamantalang nawala sa showbiz si Raymond, nahilig siya sa photography. Palibhasa’y isang tunay na artist, agad siyang napabilang sa mga most in-demand lensmen in town.
Marami siyang mga celebrities na naging clients. Kumuha siya ng mga photos for album covers, fashion advertisement at pati para sa mga billboards.
Dahil nga sa kanyang bagong linyang ito, kaya niya nakilala ang kanyang wife for one-and-half years na si Mia Rocha Lauchengco.
"Naghahanap ako ng frames para sa aking photos," kwento ni Raymond. "Sa kahabaan ng service road papunta sa bahay namin sa Merville in Parañaque, napansin ko ang isang art gallery na tila out-of-place sa lugar na ‘yon. Para siyang oasis sa gitna ng desert."
Pagpasok ni Raymond sa gallery, nakita niya ang magandang may-ari na si Mia.
Biglang pinana ni Kupido ang puso ni Raymond.
Bukod sa photography, marami rin siyang na-direct na mga corporate shows noong wala siya sa limelight. Pinakahuling stage musical niya ang very successful na Rama at Sita.