Ganoon naman ang mga foreign films eh, matagal ang kanilang post production, dahil kung ano man ang depekto sa shooting, talagang sa post production ng pelikula nila binubusisi at pinagaganda.
Ngayon sinasabi ni Cesar na magbabalik siya sa US para makipag-usap ng pormal sa kanyang agent,mag-audition siguro sa ibang roles, at subukan kung maaari siyang magkaroon ng career doon. Kung makakalusot nga ba siya sa mga American movies eh malaking bagay na yan. Kung dito sa ating bansa, magpahinog ka na dahil mukhang wala nang pupuntahan ang industriya ng pelikula rito. Wala namang nagawang tulong ang gobyerno, maliban sa pagtatalaga ng isang presidential adviser on cinema and entertainment, na hindi pa rin namin alam kung may mangyayari nga ba kung sakali naman.
Ang sinasabi nga namin, nagagawa rin yan ng mga Koreano. Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa Japan, Taiwan. Hong Kong, at iba pang mga bansa sa Asya, tulad ng singer-actor na si Rain, at ang matinee idol na si Bae Yong Joon. Kung titingnan mo ang hitsura ng mga iyan, mas guwapong di hamak sina Aga Muhlach at Richard Gomez diyan. Bakit sila nagkakaroon ng chance sa ibang bansa, bakit ang mga artista natin ay hindi?
Kasi ang problema nakuntento tayo sa trabaho rito sa atin noon. Hindi kagaya nila na iniisip talaga nakailangang mapalawak ang kanilang market. Bumagsak din ang entertainment industry ng Korea noon, bago sila gumawa ng mas malalaking pelikula na naging hit at nakapasok hanggang sa US. Eh dito sa atin, wala tayong hinihintay kung di sa suporta ng gobyerno, wala tayong mapapala diyan. Dapat tayo mismo ang kumilos.
Pero ang sabi nga ni Lito Calzado na tatay ni Iza, yon naman daw 17 percent na yon ay kasama ang cable audience. Kung aalisin iyon, 13 pecent lang kaya panalo pa rin si Mel Tiangco. Maawa naman kayo, pabayaan na ninyong maalala naman sila paminsan-minsan man lang.
Ngayon talagang paninindigan na raw ng female star na hindi siya magre-renew ng kontrata sa kanilang network. Gusto siguro niya may mangyari sa career niya.