Pareho silang busy. Di talaga masisi ang kaliwat kanan na trabaho ng dalawa. Si KC, halos buong linggo ay nasa TV (MTV, SOP at Club TV), na mapapanood tuwing Sabado 8:00 ng gabi sa ABC. Naiintindihan naman ng guwapong TV host ang sobrang pagka-busy ni Gen sa kanyang singing.
May time pa ba kaya ang dalawa na magplano ng kasal? "The bells will tell one day," ani KC. Sa tagal din ng relasyon nila, very close na rin si KC sa anak ni Gen na si Heaven. Tawag pa nga ng bata sa TV host ay "daddy oh".
Bukas Sabado, August 13, mag-apply na ng spraynet kung ayaw mong gumulo ang hair mo sa "I love the 80s" special ng Club TV. Tara na lets do the locomotion kasama ang party-hungry na sina Laura Jean, Tim Yap, KC, Gabriel Valenciano at Miggy Eugenio.