Kakaiba ang ginawa sa tatlong challengers dahil mga obese sila as in nilagyan ng prosthetics ang mga mukha at pinagsuot ng jumbo suit kaya muntikang hindi sila makilala ng kani-kanilang mga katrabaho.
At hindi pala scripted yung kunway nagulat sina Mike Enriquez at Mel Tiangco nung puntahan sila ni Pia sa set ng 24 Oras.
Alamin kung sino sa tatlong dabiana ang mananalo sa challenges tulad ng pagbibisikleta sa ibabaw ng container van, wrestling, sasakay sa bus/jeep at iba pa.
At ang host ay ang original Wish Ko Lang girl na si Bernadette Sembrano na ayon sa aming source ay nasa planning stage palang ang programa, as in wala pa itong title.
Inamin ng aming kausap na medyo mahihirapan silang tapatan ang programa ng GMA 7 dahil nga tatlong taon na ito, plus maganda rin ang feedback kay Vicky.
"Pinag-uusapan pa ang format, kung ano ang magiging dating nito, kung negative ba o positive dahil baka isipin, gagayahin namin ang kabila since, nagkaroon na kami ng Simpleng Hiling at Willingly Yours.
"Something different sana from the previous shows nina Willie (Revillame) and Karen (Davila) kaso ano pa ba ang concept na pupwedeng itapat dun kundi parang ganun din.
"Kaya nasa 50-50 chance pa kung matutuloy and hopefully, ma-approve ito kapag ipinakita namin ito sa management meeting namin," say pa sa amin.
"Bakit naman ako makikigulo pa sa kanila, e, busy ako sa business ko, I have more than 30 Body and Face branches all over the Philippines, iba pa yung Weigh Less Center.
"Sa tingin mo, may time pa ako sa mga controversies? Hayaan mo na yung iba sa trip nila," magandang katwiran ni Dr. Mendez.
Say namin na mabutit hindi siya inaaway nung ibang beauty expert na mahilig sumakay sa isyu o gimmick na halos araw-araw ay laman ng pahayagan?
"Subukan nila, di pinagkukurot ko sila," natawang sagot sa amin na ikinahalakhak din ng lahat dahil knows na nila kung sino ang mahilig sa publicity.
Ang pinakamatagal na raw sa ganitong business ay si Dr. Pineda, sinundan ni Dra. Belo, Dr. Mendez at huli na sina Dr. Calayan. Teka, e, si Ellen Lising?
"Bakit, doktor ba yun? Doctor of Medicine ang pinag-uusapan natin, di ba?" ito ang mabilis niyang sagot.
At kung hindi babaguhin ang plano ay si Ms. Lorna Tolentino ang papalit sa kanya at tuloy pa rin sina Direk Louie Ignacio at Joey de Leon.
Excited nga si Direk Louie dahil tiyak na marami na naman daw siyang mapapaiyak sa kanyang attitude box na naging kontrobersyal dahil no fear, no glory at no guts kung manglait siya ng finalist ng nabanggit na reality based-artista search program ng GMA 7.
Nababaliw nga rin ang nabanggit na director dahil hanggang ngayon pala ay nagso-shooting pa siya ng pelikulang Lovestruck gayung ang playdate nito ay sa 2nd week of September at nung tanungin namin kung kaya bang matapos para sa playdate ay, "Ma," ang mabilis na sagot sa amin.
Samantala, hindi namin naitanong kay Direk Louie kung totoo bang hindi boses ni Mike Tan ang gagamitin sa Lovestruck dahil hindi raw maganda ang diction bukod pa sa hirap magsalita ng Ingles ng binata gayung anak mayaman ang role niya.
Kumuha raw ng professional dubber para kay Mike sa pelikula, at dahil may mga spoof ang pelikula sa mga Koreanovelas ng Siete ay bagay kay Mike ang role at hindi niya boses ang gagamitin dahil mukha naman siyang Koreano. REGGEE BONOAN