Pinamagatang The Other Side, mahigit na 20 kanta ang babanatan dito ni Sarah. Maraming solo pero, meron ding duet with her guests. Tulad nina Piolo Pascual, Mark Bautista, Japoy Lizardo (hindi kanta kundi sayaw ang pagsasamahan nila) at Regine Velasquez!
"Hindi makukumpleto ang concert ko kung wala siya. Siya ang idolo ko. Masaya ako dahil kahit mayron din siyang concert on the same night, nangako siyang darating," ani Sarah.
"Si Boss Vic (del Rosario) ang pumili ng mga guest ko. Gusto ko rin sana na mag-guest si Nina dahil never pa kaming nagkasama pero, nagkataong may concert din siya the day after kaya di pwede," anang 17 taong gulang na celebrity na umaming hanggang ngayon ay wala pang nanliligaw sa kanya. "Baka kapag 21 na ako pwede na," pakonswelo niya.
Sa presscon ng kanyang solo concert, ginawaran siya ng double platinum award para sa kanyang album na "Sweet Sixteen". Kakantahin niya ang mga hits dito sa Araneta plus ilang cover versions at medleys.
Recipient si Sarah ng Nickelodeons Kids Choice Award; Most Promising Female Performer ng Aliw; Best Performance By a Female Recording Artist sa Awit, Most Promising Female Singer ng Tinig Awards, 2004 KASAMA (Kabataang Sama-Samang Naglilingkod) awardee bilang Most Outstanding Youth Role Model; Most Promising Female Singer ng National Press Club.
Napaka-husay ng pagkakagawa nito ng video ng newest single ni Gary Valenciano na pinamagatang "Break Me". Apat na araw itong kinunan sa halagang P4.5M. Pero, hindi na mahalaga ang malaking gastos dahil magsisilbi itong tribute sa namatay na record producer. Bukod kay Gary V., tampok din sa video ang modelong si Tina Pamintuan. Bonus track ito ng "Soul Full" album ni Gary V mula pa rin sa Universal Records.
Si Gary V ang composer ng "Break Me". Ginawa niya ito para kay Bella Tan at bagaman hindi niya inaasahan na makakamatayan ito ng mabait na lady record producer, nagmistula itong isang dasal at huling awitin na narinig nito bago siya namatay.
Samantala, sa Sept. 2 ay magaganap ang concert ni Gary V sa Araneta Coliseum na pinamagatang Symphony of the Heart. Makakasama niya ang San Miguel Symphony Orchestra sa pamumuno ni Ryan Cayabyab.
Sinabi ni Turner sa isang interview na maraming grupo ang nagsasabing sila ang Platters pero lahat sila ay nagsisinungaling. Siya ang pumalit sa original singer ng grupo na si Tony Williams nang magsolo ito nung 1965. Nagsolo rin siya nung 70s pero nagpasyang gamitin ang pangalan ng Platters simula nung 90s.
Aawitin ni Sonny sa Araneta concert ang mga di malilimutang hits ng grupo tulad ng "Only You", "Twilight Time", "My Prayer", "The Great Pretender" at marami pang iba.