Irma naligayahan kay Reggie

"Pinaligaya niya ako!" tugon ni Marta (Irma Adlawan na kamakailan ay hinirang na Best Stage Actress ng Aliw Awards) nang siya ay pagsabihan ng bading na kaibigan na si Boyet (Ricky Davao, isa ring naparangalan bilang Best Stage Actor ng Aliw Awards). Ganito rin ang nasasambit ng maraming mga babae na sobrang nagmamahal sa kanilang mga boyfriend o asawa na di na makawala sa kanilang relasyon, kahit na magdusa. Tunay ngang ang pag-ibig ay isang trap. Minsan hindi mo na alam kung ikaw ay napapasama na.

Tunghayan ang buhay pag- ibig nina Marta at Boyet na magkatulad sa madalas nilang paghihintay sa pagdating ng kani-kanilang mga boyfriend (si Lauren Novero para kay Ricky at si Reggie Curley para kay Irma). Panoorin ang Mga Pusang Gala na simulang ipalalabas sa Agosto 17. Si Ellen Ongkeko-Marfil ang mismong prodyuser ng pelikula ang nagdirihe mula sa iskrip na sinulat nina Jun Lana at Rody Vera, batay sa dulang pantanghalan ni Lana.

Show comments