^

PSN Showbiz

Di sisikat kung di maghuhubad!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa isang pakikipagkwentuhan kay Katrina Halili ay ‘di nito napigilan na maiyak dahil sa intrigang ibinabato na hindi naman siya sisikat kung hindi siya maghuhubad pero hindi naman ito papayag na mag-bold. Gumagawa na rin ito ng malaking pangalan na hindi nangangailangan ng pagtatalop ng katawan dahil magaling naman siyang umarte.

Nalilinya ito sa character role at payag naman siyang maging kontabida gaya ng ginawa niya sa Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa kung saan magkakaroon ito ng kaugnayan kay Mikey Arroyo na bida sa pelikula.

Balik uli ito sa telefantasyang Darna bilang si Black Darna na isa rin sa kampon ng kadiliman.
Mata Ni Direk Luigi, Idinonate
Kapuri-puri ang ginawa ng pamilya ni Direk Luigi Santiago nang i-donate ang mga mata niya sa dalawang kapuspalad na nakakakita na dahil sa corneal transplant.

Ganito rin ang kailangan ng aming katulong na si Nidarlyn Aguilar na nangangailangan ng donor ng mata para sa kanyang corneal transplant kaya inilapit ko sa Sagip Mata Foundation ng Capitol Medical Center.

Ayon kay Dr. Jose Alvin Agustin, matatagalan bago makakuha ng donor dahil mahirap makakuha ng pamilyang namatayan na handang i-donate ang anumang organ ng kanilang namayapang mahal sa buhay.
Nasa Darna Na
Wala naman palang dapat ikalungkot si Katarina Perez dahil kahit mawawala na ang Idol Ko Si Kap ay napunta naman ito sa Darna. Kaya lang mami-miss niya ang mga kapatid sa sitcom na sina Bong Revilla at Goyong gayundin ang kanilang inang si Luz Valdez. Lahat ay nailipat sa ibang telefantasya. Si Goyong at si Luz ay nasa Sugo, tampok si Richard Gutierrez.


Blind Item: Feeling Girl Ang Komedyante Dumalaw ang photographer sa taping ng isang sitcom para ipiktoryal ang baguhang bading na komedyante. Inspirado siya ng gabing yon dahil naroon ang pinagpapantasyahan niyang actor. Nang ipiktoryal na ito ay nag-request kung pwedeng isama ang crush na aktor.

Limang beses na nagpalit ng damit ang bading kung saan bigay na bigay ito sa piktoryal. Sweet na sweet ito sa kaparehang aktor na naiilang naman dahil may girlfriend na ito na isang aktres din.

Feeling girlash talaga ang bading na komedyante na galing din sa showbiz clan.

vuukle comment

BLACK DARNA

BLIND ITEM

BONG REVILLA

CAPITOL MEDICAL CENTER

CENTER

DAHIL

DARNA

DIREK LUIGI SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with