At dahil sa pagiging blockbuster ng D Anothers, sure fire contender si Vhong for the Box-Office throne. "Hindi ko in-expect na ganon ang magiging pagtanggap ng tao sa movie namin," sabi ni Vhong nang kunan ko ito ng reaksyon.
"Last Sunday, naglibot ako sa mga sinehan at nagulat ako na puno pa rin. Mahaba pa rin ang pila. At ang pinaka-rewarding sa lahat, nakita ko na nag-enjoy ang tao. Napatawa namin sila kahit sandali," sabi ni Vhong.
"Konti na lang, makaka-P100 million na ang gross ng movie," sabi sa akin ni Star Cinema AdPromi director Roxy Liquigan.
Malakas din ang benta ng sountrack ng movie, ang "Don Romantiko" na komposisyon ni Christian Martinez. Kasama ito sa "Totoy Bibbo" album ni Vhong na malapit nang maging double platinum.
Nasa 3rd week na ang D Anothers at posibleng magkaroon pa ng 4th week. Dahil sa success ng movie, nakaabang na ang dalawang pelikulang sisimulan ni Vhong sa Star Cinema.
Nakatikim ng panlalait ang The Buzz mula sa kampo ng GMA 7 publicists. Dahil last week, natalo ang The Buzz ng S Files sa rating. That is considering na sa mga nagdaang linggo ay sunud-sunod ang panalo ng The Buzz.
According to a highly-placed source, kumpirmado na ang relasyon ng dalawa.
"At first, magugulat ka kung sino yung kausap ni Echo na ang tagal-tagal," sabi ng kausap ko. "After nilang mag-usap, we learned na si Heart yung ka-telebabad ni Echo. Sa set ng Panday, talagang mapapaisip ka kung sila na dahil ang sweet nila."
Kahit noong nasa America si Echo (para sa Kapamilya Summer Caravan), madalas ding mag-usap ang dalawa. Naiintriga din ako sa sinasabing kissing scene nina Echo at Heart sa isang eksena sa ilog.
Kung totoo ito, nangangahulugan na wala na talaga si Cindy Kurleto sa buhay ni Echo. At paano naman kaya yung isyu na girlfriend din niya si Aliya Parcs?