^

PSN Showbiz

Mag-dyowa na sina Jericho at Heart?

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Isang malaking surprise blockbuster ang D’ Anothers ng Star Cinema. According to the latest figure sent to us, it’s already reaching the P100 million mark. Talaga namang nakakagulat ang lakas sa takilya ng Vhong Navarro starrer na ito. Kahit ang Star Cinema ay nagulat sa laki ng kinikita ng movie.

At dahil sa pagiging blockbuster ng D’ Anothers, sure fire contender si Vhong for the Box-Office throne. "Hindi ko in-expect na gano’n ang magiging pagtanggap ng tao sa movie namin," sabi ni Vhong nang kunan ko ito ng reaksyon.

"Last Sunday, naglibot ako sa mga sinehan at nagulat ako na puno pa rin. Mahaba pa rin ang pila. At ang pinaka-rewarding sa lahat, nakita ko na nag-enjoy ang tao. Napatawa namin sila kahit sandali," sabi ni Vhong.

"Konti na lang, makaka-P100 million na ang gross ng movie," sabi sa akin ni Star Cinema AdPromi director Roxy Liquigan.

Malakas din ang benta ng sountrack ng movie, ang "Don Romantiko" na komposisyon ni Christian Martinez. Kasama ito sa "Totoy Bibbo" album ni Vhong na malapit nang maging double platinum.

Nasa 3rd week na ang D’ Anothers at posibleng magkaroon pa ng 4th week. Dahil sa success ng movie, nakaabang na ang dalawang pelikulang sisimulan ni Vhong sa Star Cinema.
* * *
Masayang-masaya ang staff ng The Buzz sa nakuhang rating ng show last Sunday. Sa Mega Manila, nagtala ang The Buzz ng 18.0% laban sa 15.2% ng S Files. Samantalang sa Metro, nakakuha ang The Buzz ng19.7% laban sa 15.3% ng S Files.

Nakatikim ng panlalait ang The Buzz mula sa kampo ng GMA 7 publicists. Dahil last week, natalo ang The Buzz ng S Files sa rating. That is considering na sa mga nagdaang linggo ay sunud-sunod ang panalo ng The Buzz.
* * *
Wala pa akong chance na kumpirmahin ang balitang ito na nakarating sa akin. Pero kapag nakausap ko sina Jericho Rosales at Heart Evangelista, kukumpirmahin ko sa kanila kung totoo na sila na. Meaning, magdyowa na sila.

According to a highly-placed source, kumpirmado na ang relasyon ng dalawa.

"At first, magugulat ka kung sino ‘yung kausap ni Echo na ang tagal-tagal," sabi ng kausap ko. "After nilang mag-usap, we learned na si Heart ‘yung ka-telebabad ni Echo. Sa set ng Panday, talagang mapapaisip ka kung sila na dahil ang sweet nila."

Kahit noong nasa America si Echo (para sa Kapamilya Summer Caravan), madalas ding mag-usap ang dalawa. Naiintriga din ako sa sinasabing kissing scene nina Echo at Heart sa isang eksena sa ilog.

Kung totoo ito, nangangahulugan na wala na talaga si Cindy Kurleto sa buhay ni Echo. At paano naman kaya ‘yung isyu na girlfriend din niya si Aliya Parcs?

vuukle comment

ALIYA PARCS

ANOTHERS

CHRISTIAN MARTINEZ

CINDY KURLETO

DAHIL

DON ROMANTIKO

S FILES

STAR CINEMA

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with