Naging matagumpay ang inagurasyon ng pagbubukas ng pinakabagong coffee shop at resto-bar sa Maynila, ang
Kape Cafe at Maku Hari Resto-Bar ng mag-asawang
Bobby Valle at
Chieko Kimura na matatagpuan sa ipinatayong building ng mag-asawa sa may
Leon Guinto (malapit sa Quirino Avenue), Malate, Manila na ginanap nung nakaraang Lunes (Agosto 8) ng gabi. Ang ribbon cutting ay pinangunahan nina
Jolina Magdangal, G. Kiyoshi Takeuchi, ang First Secretary & Chief Consul ng Japan Embassy at si
G. Bong Velasquez, ang country manager ng Philippine Air Lines sa Japan at Korea. Ang iba pang mga celebrities na aming namataan doon ay sina
Imelda Papin, Bella Dimayuga, Ernie Garcia, Romano Vasquez, German Moreno, John Nite, Odette Khan, Nyoy Volante, ang fashion designer na si
Frederick Peralta at ang kanyang mga modelo,
Marissa Sanchez at iba pa.
Ngayong may bagong business na itinayo sina Bobby at Chieko sa Pilipinas, tiyak na mas magiging madalas ang kanilang biyahe rito galing Japan kung saan din sila may ibang mga negosyo.
Sa pagdagsa sa telebisyon ng mga imported TV series, unti-unting inaagawan at nawawalan ng hanapbuhay ang ating mga homegrown talents. Bagsak na nga ang ating local movie industry, pati pa ba naman ang local TV ay dominado na rin ng mga banyagang programa?
Sana naman ay magkaroon ng malasakit ang ating mga TV networks sa pamamagitan ng pagpu-produce ng mga TV series na nagpi-feature ng ating mga sariling artista. Kung magpapatuloy ang paglipana ng mga imported TV series, ang mga TV networks na rin mismo ang pumapatay ng ating sariling TV industry.
Nag-celebrate ng kanilang ika-isang taong anibersaryo ang
Leonardo Direct Sales (LDS) ng kilalang brand ng bags, ang
Leonardo Bags na ginanap sa ballroom ng Rembrandt Hotel sa Quezon City nung nakaraang Linggo ng gabi.
Ang award-winning bag brand kung saan ang controversial star na si
Kris Aquino ang modelo ay 15 limang taon na ring namamayagpag sa bag industry sa pamumuno ni
Bb. Susan Tan, ang presidente ng kumpanya na kinabibilangan din ni
Bb. Stephanie Lee, ang VP-Operations, si
Geo Polintan, ang general manager at ang ad & promotions manager na si
Bb. Dada Cruz.
Aminado si Bb. Susan Tan na malaki umano ang inangat ng sales ng Leonardo Bags magmula nang kunin nilang celebrity endorser si Kris Aquino.
Isang buwang magbabakasyon sa Pilipinas ang mag-iinang
Ruffa Gutierrez, Lorin at
Venice. Nakatakdang dumating dito ang mag-iina sa September 15. Habang narito sa Pilipinas, gusto ni Ruffa na punuin ang kanyang isang buwan ng TV guestings at kung siya ang masusunod, gusto niyang mag-guest sa
Sugo TV series ng kanyang nakababatang kapatid na si
Richard Gutierrez. Type rin umano niyang mag-guest sa
Encantadia. Napapanood ni Ruffa ang nasabing mga programa dahil panay umano ang padala sa kanya ng kanyang
Mommy (Annabelle Rama) ng mga tapes at updated umano siya sa mga kaganapan dito.
Nakatakdang i-reformat ang long-running sitcom ni
Sen. Bong Revilla sa
GMA, ang
Idol Ko Si Kap simula sa susunod na buwan. Sa pagbabagong anyo ng programa, may mananatili at mapapalitan sa cast kaya malungkot ang lahat dahil super close na ang original cast ng IKSK.
Siyempre pa, maiiwan pa rin sa cast ang main stars na sina Bong at
Rufa Mae Quinto pero magbabago na ang supporting cast.
E-mail: a_amoyo@pimsi.net