Dumalaw sa
Solar-UIP office si
Rustom Padilla para dumalo sa birthday celebration ni
Nicole Castillo. Usap-usapan dun na may ididirek na TV show ang aktor sa
Dos. Gaano kaya katotoo ito?
Kunsabagay talagang desidido ang aktor sa planong pagdidirek. Ipinagmamalaki naman nito na tapos siya ng filmmaking sa Amerika na gusto na niyang gamitin.
Kahit sa opisina ay nagtatalu-talo sila kung bakit pumayat nang husto ang aktor at iisa lang ang kanilang palagay. Hindi natanggap ng aktor ang kanilang paghihiwalay noon ng dating asawang si
Carmina Villaroel.
Nilinaw ni
Jennylyn Mercado na hindi totoong naghiwalay na naman sila ni
Mark Herras. Normal lang sa kanila ang galit-bati na nagpapatibay sa relasyon.
Natatawa nga ang aktres dahil hindi nila alam kung saan sila lulugar ng nobyo. Noon namang nag-split sila ay pilit silang pinagbabati at ngayong nagkabalikan na at nagkakasundo na ay pilit naman silang pinaghihiwalay.
Inamin ni
Daniel Razon na mula nang umalis siya sa
Unang Hirit ay lalo siyang naging busy dahil dumami ang kanyang trabaho. Sabi nga nito, "I do a lot of things, conceptualize and incorporate variations in my program
Kaka In Action. May foundation din ako na tumtutulong sa pangkalusugan lalo na sa mga bata."
Dahil sa kanyang feeding program ay nakatulong sila sa malnourished children. Sa tulong ng Rotary Club at iba pang non-government organization ay nakapagbigay sila ng wheelchair at sa iba pang nangangailangan ng tulong.
Ang programa ni Daniel na
Kaka In Action ay mapapanood sa
UNTV araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes ganap na 5:30-6:30PM.
Mabuti na lang at malakas ang resistensya ng aming kaibigang si
Arnold Clavio. Halos wala na itong itinutulog dahil halos madaling araw nang natatapos ang kanyang news program na
Saksi. Uuwi ito ng bahay ng mga ala-una at pagsapit ng alas tres ay gising na ito para sa
Unang Hirit na nagsisimula ng 5:30AM. Kailangang nasa istudyo na ng mga alas cuatro y media. Pagkatapos ng
Unang Hirit ay diretso na ito sa kanyang programa sa
DZBB.
Abala pa rin ito sa kanyang
IGAN Foundation na tumutulong sa mga kapuspalad bukod pa sa
Emergency.
Magkakatotoo Lahat Dahil Sa Skeleton Key |
Kaya mo bang buksan ang ipinagbabawal na pintuan ng mga patay? Sige, ilabas mo ang iyong tapang at bigyan-daan ang pinakamasamang bangungot sa iyong buhay. Magkakatotoo lahat ang iyong kinatatakutan sa bagong handog ng
Paramount Pictures, ang
The Skeleton Key. Bida ang
Golden Globe Award winner at
Academy Award nominee na si
Kate Hudson (
Almost Famous), ang pelikula ay tungkol sa isang kakaibang kwentong multo na sinulat ni
Ehren Kruger (
The Ring) at idinirihe ni
Iain Softley (
K-Pax).
Kabituin sina
Gena Rowlands (
The Notebook) at
John Hurt (
Harry Potter and the Sorcerers Stone), ang
The Skeleton Key ay ipinamamahagi sa Pinas ng
United International Pictures sa pamamagitan ng
Solar Entertainment Corporation.