^

PSN Showbiz

Mga baguhan di pa kilala sa US, pero si Richard Gutierrez, sikat na run!

- Veronica R. Samio -
Hindi naman nakapagtataka kung hindi pa kilala sa Amerika ang mga baguhan at kabataang artista ng GMA7.

Tulad nina Karylle, Dingdong, Jennylyn Mercado, Mark Herras at iba pa. Nung pumunta lamang sila sa US, saka naglunsad ang GMA ng sarili nilang Pinoy TV na kung saan ay mapapanood na ang mga palabas ng Siete na kung saan tampok ang maraming kabataang artista. Next time na dumayo uli sila ng US, makikilala na ang mga ito.

Surprisingly, sa mga kabataang artista na dumayo sa bansa ng mga puti, pinalakpakan ng husto si Richard Gutierrez. Hindi siya nahuli sa mainit na pagtanggap na ibinigay ng mga Pinoy sa US sa mga artistang tulad nina Regine Velasquez, Jaya, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, Richard Gomez, Joey de Leon at maging si German Moreno. Hindi nga maipaliwanag ng nagbalita sa akin kung paano nangyari ito gayong ngayon pa lamang magsisimulang mapanood sa abroad ang mga palabas ni Richard. Siguro dahil matagal ding nanirahan sa Amerika si Richard kasama ang pamilya niya. At kung kilala nila siya nung maliit pa siya, mas natuwa sila nang makita siyang isa nang ganap na binata.
* * *
Bago na ang pangalan ng kumpanya ni Dondon Monteverde na nangangalaga ng mga artista. Makikilala na ito sa pangalang Star Factor, Inc. na ang pangunahing tungkulin sa mga artista ay pangalagaan ang kanilang mga career. Ilan sa mga artista ng nasa pangangalaga ni G. Monteverde ay sina Ara Mina, Aubrey Miles, Mark Anthony Fernandez, Tanya Garcia, Troy Montero, April Boy Regino, Jeni Hernandez, Jon Joven, Richard Villanueva, Phoemela Baranda. At ang mga direktor na sina Erik Matti at Joven Tan.

Advertising career naman nina Boy Abunda at Kris Aquino ang hinahawakan nila.

Ka-partner ni Dondon sa Star Factor si Paula Punla.

Naghahanap ng mga bagong talent ang Star Factor. Pwede silang tawagan sa 09175364107.
* * *
May bagong public service program si Daniel Razon na pinamagatang Kaka In Action. Mapapanood ito araw-araw, Lunes hanggang Biyernes, 5:30 NH-6:30 NG sa untv37.

Sa pakikipagtulungan ng Brother Eli and Brother Daniel Foundation, tutulong ang programa sa mga nangangailangan at maging sa general public. Hihingan nito ng tulong ang gobyerno at iba pang ahensya nito at maging ang mga NGOs para sa mahahalagang impormasyon at para mapabilis ang paglalakad ng mga papeles at kinakailangang dokumento ng mga nangangailangan.

Simula nang umere ang programa nung Agosto 1, 2005, marami nang nabigyan ng kabuhayan ang KIA.
* * *
Ang kinikilalang Most Outstanding Salon para sa 2005, ang Reyes Hair Company aka Reyes Haircutters ay magbibigay ng financial support sa Philippine Cancer Society para makatulong sa cancer education nito at information campaigns.

Sa isang simpleng seremonya na ginanap kamakailan between Reyes Hair Co., international president and CEO Mr. Les Reyes, its franchise director Ms. Jo Barbosa, PCS chairman Dr. Roberto M. Paterno, PCS president Dr. George G. Eufemio, isang MOA ang pinirmahan na nagbigay buhay sa proyektong Haircut For a Cure.

Layunin ng proyekto na makalikom ng pondo para sa mga nabanggit na proyekto ng PCS. Bawat bayad sa gupit sa RHC na P49.99, piso (p1.00) ang mapupunta sa PCS. Inaasahang mga P200,000.00 ang malilikom buwan-buwan dahilan sa napaka-raming sangay ng RHC at maraming kliyente na pumupunta rito para sa mga serbisyo na ibinibigay nito.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

AMERIKA

APRIL BOY REGINO

ARA MINA

AUBREY MILES

BOY ABUNDA

CENTER

STAR FACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with