Sandara, biglaang dumating

Malayo na talaga ang narating ni Sheryn Regis. Nakilala bilang isang diminutive belter sa Star In A Million, ngayon ay inaabangan na ng publiko ang bawat awitin at performance niya. Tunay na naka-create ng sariling imahe si Sheryn sa paningin ng publiko. At sa bawat performance niya, she never fails to impress her audience. At may sarili siyang charm kaya napamahal siya sa publiko.

‘Tulad ng nauna niyang hit album na "Come In Out Of The Rain", tiyak na pag-uusapan na naman ang bagong album ni Sheryn under Star Records. Titled, "Sheryn Regis: What I Do Best", naglalaman ito ng mga awiting malapit sa puso ng songstress. Barely few weeks, after na ma-launch ito, umaani na ng matinding airplay carrier single na "What I Do Best". Kasama rin sa album ang swabeng-swabeng rendition ni Sheryn ng "I Don’t Want You To Go" ni Lani Hall.

Kasama rin sa album ang theme song ng hit fantaseryeng Kampanerang Kuba, ang "Sabihin Mo Sa Akin".
* * *
Marami ang nagulat sa pagdating ni Sandara Park sa ABS-CBN compound noong Lunes ng hapon. Nasorpresa ang lahat nang bigla itong um-appear sa ABS-CBN Star Magic office. Yes, Sandara is in town! Dumating siya for a 4-day vacation.

Gusto ring personal na batiin ni Sandara ang kanyang handler sa Star Magic na si Ana Yambao. Sa kwentuhan namin ni Sandy, nakita ko na tumaba ito.

"It’s not fat, it’s muscle," sabi nito. "I go to the gym everyday. And I dance a lot," sabi nito.

Nakipagkita rin si Sandy sa mga kasamahan niya sa Star Circle Quest. Nagkita na rin daw sila nina Rica Peralejo, Heart Evangelista at siyempre, kay Joseph Bitangcol.

Ang cute-cute din ng kanyang bagong hair. Naka-bangs ang Korean teenstars na bumagay sa kanya. By the time na binabasa ninyo ang column na ito, paalis na si Sandara pabalik ng Korea.

Pagbalik niya sa September, nakatakda niyang simulan ang bagong project sa Star Cinema. Para may idea kayo kung ano ang hitsura ngayon ni Sandy, narito ang photo na kuha ko kamakalawa ng gabi.
* * *
Naiipit ngayon si Ryan Agoncillo dahil sa pagsasalita ng ina ng ex-girlfriend niyang si Pam Viguera. Naghahanap ng "closure" ang ina ni Pam sa relasyon ng anak at ni Ryan. Public knowledge ngayon na mag-sweethearts na sina Ryan at Judy Ann Santos.

Ayon sa isang malapit kay Ryan, "There was closure between Ryan and Pam. The mom should only talk to her daughter. In fairness kay Ryan, maayos ang split nila ni Pam."

Nagbigay na rin ng statement si Ryan tungkol sa isyu. Aniya, naayos niya ang sinasabing problema with people concerned. "Let’s just be happy for everybody," sabi ng portion ng statement nito.

Siyanga pala, mapapanood na ngayong gabi ang Maalaala Mo Kaya episode na pinagbibidahan nina Ryan at Judy Ann. Kasama rin sa cast sina Tommy Abuel, Ces Quesada, Dick Israel, Gino Paul Guzman at Jacob Dionisio.

Show comments