Pero kamakailan ay bininyagan ang kanyang bunsong anak kung saan star-studded ang selebrasyon dahil puro taga-showbiz ang mga ninong at ninang. Masaya naman ang kanyang pamilya at magkasundo sila ng karelasyong non-showbiz girl.
Sorry na lang ang pag-iilusyon sa kanya ng mga bading at matrona dahil faithful ito sa kanyang mag-iina.
Ang actor na ito ay nali-link din sa kapwa niya actor.
Ayon pa sa kausap ko, narun nang lahat ang pamilya ni Ronnie sa Amerika at matatag ang negosyo ng mga ito na real estate. Pero nagsusyuting ngayon si Ronnie ng pelikulang ilalahok sa Metro Manila Film Festival para sa January playdate. Titled Lagot Ka Sa Kuya Ko na tatampukan din nina Mariz, Nadine Samonte, Angelica Jones under Rocketts Films. Makakasama rin sa said movie ang dalawang anak nina Mariz at Ron na sina Marie at Marella. Namamayagpag ngayon ang beauty ni Angelica Jones dahil sa rami ng iniindorsong produkto. Karagdagan sa kanyang Jansen Beauty Product, James Beauty Product, Hitachi International, White Cat, Tito Aga Resto, Bodega ng Bayan at ang pagiging endorser ng Index Beauty Salon at ng lahat ng magiging franchise nito, ang pinakabagong international brand ng alak. Simple lang ang ibinigay na dahilan kung bakit siya ang paboritong kuning endorser ng ibat ibang produkto. Itinuturing siyang lucky charm ng mga ito. Katunayan sabi nga ng founder ng Index Salon na mula nang kunin nilang endorser ang aktres ay nagkasunud-sunod na ang kumukuha ng franchise nito. Di sinasadyang nakita namin ang motorcade ng aktres sa Gagalangin para sa Index Salon kung saan kasalukuyan kaming tumitingin ng sala set sa isang furniture shop na malapit dun. Talagang nagkabuhul-buhol ang trapic sa rami ng mga taong gustong makita ang aktres ng personal. Malayo na rin ang nararating ni Angelica di gaya ng ibang aktres na kasabayan nito na nangulimlim na ang career. Tanong namin sa gwapong aktor kung posible ba siyang ma-inlove at magkaroon ng relasyon sa isang mas matanda sa kanya, like Irma Adlawan na partner niya sa Mga Pusang Gala? Sey nito "Twenty six na ako pero yung girl sana mas matanda lang sa akin ng ilang taon gaya ng mga thirty years old. Huwag naman yung sobrang tanda kaysa sa akin." Inamin nito na crush niya si Ara Mina noon pa man kaya siguro posible siyang ma-inlove sa aktres na matanda sa kanya ng kaunti. Show comments
|