Natupad na pangarap

Nasa elementary grade pa lamang si Sunshine Garcia ay hilig na niyang magsayaw. Paborito niyang manood ng mga shows na may sayawan. Ginagaya niya ang mga dance steps. Kaya nang nasa high school na siya at magkaroon ng dance group ang kanilang school ay sumali siya at natanggap agad. Standout siya dahil may grace daw siya at may rhythm kung sumayaw. Enjoy ang beauty ni Sunshine sa mga performances nila ng group. Kahit sa school programs lamang. Kahit kaunti ay hindi niya naisip na isang araw ay makakasama siya sa isang sikat na sikat na dance group, ang Sex Bomb.

Minsan, sa kabubuyo ng mga kaibigan at ilang kapamilya ay sumali siya sa TV Babe, isang portion ng sikat na Eat Bulaga. Sinuwerteng nakuha siyang monthly finalist. Ang ipinakita niya sa talent portion ay pagsasayaw. Na-impress si Joy Cancio sa kanyang galing sa pagsasayaw kaya kinuha siya nito at nakasama na nga sa Sex Bomb Dancers. Ngayon ay napakinabangan niya nang husto ang kanyang noon ay hilig pa lamang sa pagsasayaw.

Noong 2004, hindi lamang sa sayaw sumasabak ang mga Sex Bomb Dancers. Nagkakaroon na sila ng guesting sa mga shows dahil si Rochelle ay nabigyan na ng break sa pag-arte. Siyempre, nakakasama rin siya. Kaya nga lamang ay puro mini role. Kaibigan, pinsan, kaklase o kapitbahay ng mga bida. Nakita na nga siya sa Daddy Di Do Du at Mahiwagang Baul. Napanood na rin siya sa horror, ang Huwag Kukurap. Kaya nga hindi na lamang sa pagsasayaw siya naka-focus ngayon. Tuwa nga siya na lagi siyang kasama sa season 7 ng Daisy Siete. Pero ganoon pa rin, minor role lang.

Minsan, sa taping ng isang season ng Daisy Siete ay naglambing siya sa direktor. Na puwede ba siyang mabigyan ng mabigat-bigat na papel. Nangako naman si Direk na bibigyan siya ng challenging role, papel ng isang lukaret. Akala niya’y nagbibiro lamang si Direk. Pero nang nagka-casting na ang episode ng Daisy Siete title Tahanan, ibinigay sa kanya ang role na isang authistic child.

Ayaw sana niyang tanggapin. Dahil mahirap na papel iyon. Baka hindi niya makaya. Pero sa encouragement ng mga kasamahan at ni Direk ay pumayag na siya.

The rest is history. Ngayon ay markado na siya bilang si Lumnay, ang anak nina Beth Oropesa at Daniel Fernando. Napaka-effective niya sa kanyang role. Kaya nga kahit saan siya ngayon makita ng mga manonood ng afternoon teleserye ng Siete, hindi na Sunshine ang tawag sa kanya. Lumnay na. – Mimi Citco

Show comments