Sa parte ng Channel 2, nagkaroon ng overdose ng insulin si Gary Valenciano na naging dahilan para bumagsak ang kanyang blood sugar, nagkaroon siya ng lock jaw at isugod sa ospital sa US. Mabuti naman at mabilis siyang naka-recover.
Sa parte naman ng GMA 7, dahil sa sobrang pagod,dahil nag-shooting din naman ng kanilang pelikula sa US sina Richard Gutierrez at Angel Locsin, bumagsak din ang huli at kailangan ding isugod sa ospital.
Hindi lamang stress ang dahilan ng ganoong pangyayari, yong sobrang pressure noong pagtatrabaho sa abroad, at yong pagmamadali nilang makatapos kung anuman ang kanilang ginagawa dahil wala namang mga working permit ang mga iyan doon, at hindi sila miyembro ng actors union sa US. Actually ang ginagawa nila roon ay patagong shooting, kagaya rin ng ginagawa ng lahat halos ng mga artistang Pinoy na nag-shoot ng pelikula sa abroad. Kasi kung babayad sila ng equity, napakamahal noon.
Yan ang sinasabi rin naming risk noong ang isang artista ay dadalhin sa abroad, kahit na nga sabihin mong para lamang sa isa o dalawang shows.
Huwag na nating pag-usapan yong karaniwang ginagawa na tourist visa lamang ang hawak nila. Iyon ding ganyan na bigla silang nagkakasakit doon.
Hindi mo inaasahan iyan. Malakas naman ang iyong katawan. Pero pagdating mo roon, dahil sa pressure at siguro nga sa kaibahan ng klima, bigla kang nagkaroon ng sakit. Mabuti kung sa mga big stars, mangyari at inasikaso sila ng ganoon. Papaano kung nangyari iyan sa mas maliliit na stars? Ano ang katiyakan na bibigyan din sila ng ganoong atensiyon?
Naisip nila na tutal isang hit na ang album, ito na nga siguro ang panahon para mag-present naman si Nonoy ng isang concert na solo niya.
Nitong mga nakaraang panahon, marami rin namang shows si Nonoy, pero kasama niya sina Rico Puno, Hajji Aleandro at iba pang singers. Mukhang ngayon lamang siya magkakaroon ng solo concert ulit matapos ang matagal-tagal na rin namang panahon.
Pero mukhang consistent ang choices ng bading na male actor na iyan. Mahilig siya doon sa mga lalaking medyo dark ng kaunti.