Marami ring mga Pinoy ang nagawang madala ni Bobby sa bansang Hapon para mag-entertain sa kanyang dalawang club. Pinili niyang dalhin yung mga may talino na nabibilang sa mahihirap na pamilya. At mga kababayan niyang Bisaya. Ngayon, marami sa kanila ang maunlad na ang buhay dahilan sa pagkakataong ibinigay sa kanila ng singer.
Nasa bansa ngayon si Bobby at dito naman nagtatayo ng sarili niyang negosyo. Mahigit dalawang taon na siyang pabalik-balik dahil ipinatayo niya ang Kimura Vale Entertainment Center na pormal nang bubuksan sa publiko sa Agosto 8. Mga kilalang tao mula sa pribadong sektor at gobyerno ang kinuha ng mag-asawang Bobby at Chieko para siyang gumupit ng ribbon.
Ang building ay may walong palapag at pinangalanang Kimura Shoji Building. Matatagpuan ito sa 1971 Leon Guinto St., Malate, Manila. Mayron itong theater, fine dining restaurant (Maku Hari) at isang coffee shop (Kape Cafe) sa lobby na kung saan ay itatampok ang The Raging Divas kasama sina Romano Vasquez at Bari Bari Power Dancers ngayong 9:00 NG. Una nang itinampok dito si Marissa Sanchez nung July 15.
Matatagpuan din sa building ang marangyang opisina nina Bobby at Chieko at, ang kanilang Promotions Agency. Mayron ding sariling canteen sa loob ang mga empleyado at patahian na siyang gumagawa ng lahat ng costumes ng talents na patuloy na ipinadadala sa bansang Hapon at nagbibigay ang revenues sa gobyerno at maging yung mga nagpi-perform locally.
Nasa pahinang ito ang larawan ng totoong Vir Gonzales na mas gugustuhin pang mamatay sa gutom kesa manghingi ng pera sa hindi niya pamilya, kaya pinag-iingat ang lahat sa kanyang impostor.
Seven thousand daw ang seating capacity ng auditorium pero, 8,000 na Fil-Ams ang sinasabing dumagsa rito para makisaya. Kaya kinailangan pang magdagdag ng production team ng halos 1,000 pang mga upuan para ma-accommodate ang lahat.
Pinangunahan ang pagtatanghal nina Regine Velasquez, Jaya, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Richard Gomez, Rufa Mae Quinto, Joey de Leon, German Moreno, Mel Tiangco, Jolina Magdangal, Dingdong Dantes, Karylle, KC Montero, Gabby Eigenmann, Malik, Chynna Ortaleza, Mark Herras, Jennylyn Mercado at ang kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez.
Bukod sa SOP concert, isinabay na rin ang Fiesta GMA na pinangunahan nina Kuya Germs at Lucy Torres Gomez. Ginanap din it sa loob ng Bill Graham Civic Auditorium at nagtampok sa mga booths na may iba ibang gimik na handog. Talagang nag-enjoy ang lahat ng Kapuso.