Nakarating sa kaalaman ng grupo ng ABS-CBN ang ginawang pagtataray ni Mel Tiangco sa ABS-CBN sa mga programa nitong Maalaala Mo Kaya at TV Patrol. Mismong ang mga kakilala kong press sa San Francisco ay na-turn off sa mga binitawang salita ni Mel.
Diumano, tinarayan ni Mel Tiangco ang programa ni Charo Santos at ang news program ng ABS-CBN.
Napatunayan ng mga kababayan nating Pilipino sa America na ang grupo ng GMA 7 ang nagsisimula ng pagtataray laban sa ABS-CBN. At take note, nagkalat ang mga tauhan ng GMA 7 sa downtown area para mamigay ng tickets sa show.
Ewan ko naman sa GMA 7, nagsisimula pa lang, nagyayabang na! Manong ayusin muna nila ang kanilang Pinoy TV at kung matalo na nila ang The Filipino Channel, doon sila magsimulang magyabang.
Pinatunayan naman ng mga kababayan natin sa San Francisco na Kapamilya sila. Dumagsa ang more than 30,000 kababayan natin sa show sa Monster Park Fairgrounds. Nakita naman ito ng live sa ASAP 05 at sa The Buzz.
Ngayong Linggo, yung mga production numbers na hindi napanood last Sunday mula sa Los Angeles at San Francisco shows ay mapapanood ngayong Linggo. May mga exclusive stories din ang The Buzz na kuha sa States na ipalalabas this Sunday.
Hindi makapaniwala si Vhong sa heavy turn out ng tao sa mga sinehang pinagpapalabasan ng movie. Nasa taping si Vhong ng Yes, Yes Show nang makarating sa kanya ang magandang balita.
Sa nakaraang trip ko sa America, nakita ko kung gaano kasikat si Vhong sa mga kababayan natin. Kahit saan magpunta si Vhong sa buong San Francisco, kilala siya at pinagkakaguluhan. Kahit kapag nagsa-shopping siya sa malls ay pinagkakaguluhan siya.
Dahil sa tagumpay ng pelikulang D Anothers, inihahanda na ng Star Cinema ang follow up movie nina Vhong at Toni. Dahil sa lakas ng showing sa box-office ng D Anothers, contender si Vhong para sa box-office king title.