Walang duda na sina Judy Ann at Ryan na

Hindi ko malilimutan ang nakaraang birthday ko last July 21. Kasama ako sa grupo ng ABS-CBN para sa Kapamilya Summer Caravan sa Amerika. Sa San Francisco na ako inabot ng birthday ko. Isa-isa akong binati ng mga kasama ko sa grupo pati na rin ang mga artistang kasama ko.

Last July 20, kasama ko sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Golden Gate Bridge. Grabe ang lamig sa tuktok ng bundok na katabi ng tulay. Bukod kina Juday at Ryan, kasama ng grupo namin sina Jillmer Dy, Rondel Lindayag, Justine Javier at Noel Jalog.

Doon ko nakita kung gaano ka-sweet sina Juday at Ryan. Hindi man nila lantarang aminin, sa kilos nila, walang duda na sila na nga.

Kinagabihan, nagpunta na kami sa Fisherman’s Wharf. Sa Bubba Gump nag-decide mag-dinner ang grupo. Ilang oras bago mag-midnight, binati ako ng grupo. Nag-treat sina Juday at Ryan ng dinner para sa akin.

Paglabas namin ng Bubba Gump, nasa isang restaurant naman ang grupo nina Deo Endrinal, Louie Andrada, Roxy Liquigan, Romer Gonzales at Ian Reyno. Siyempre, sabay-sabay nila akong binati.

Kinaumagahan, July 21, niyaya ako ni Leah Salterio na mag-lunch. Magti-treat daw si Dante Ponce. Para sa kaalaman ng marami, sumikat si Dante no’ng 90’s. Sila nina Ariel Rivera at Calvin Millado ang magkakasabay noon. Alaga si Dante ni Tito Boy Abunda. Bale twelve years na si Dante na naninirahan sa America.

Kasama namin mag-lunch sa San Francisco Seafood Restaurant sina Bettina Aspillaga at Julie Bonifacio.

Masaya ang kwentuhan namin ni Dante. He now has 4 kids and married to a Filipina. 12 years na siyang wala sa showbiz. Pero updated pa rin siya sa latest showbiz happenings dahil mayroon siyang subscription sa The Filipino Channel.

Pag-uwi ng hotel, naabutan ko sa lobby sina Gary at Angeli Valenciano. May gift sa akin ang mag-asawa. Na-touch ako sa effort ng mag-asawa na magbalot pa ng regalo para sa akin. Nakaka-inspire din ‘yung card na nakalakip doon. Nariyan sina Kris Aquino, Boy Abunda, Cristy Fermin, Dra. Vicki Belo, Bong Quintana at iba pa. Siyempre, ang mga bosses ng ABS-CBN na sina Charo Santos at Cory Vidanes na hindi nalimutan ang aking kaarawan.

Kinagabihan, may invitation naman si Leo Imatani, college friend ni Leah Salterio sa UP. Dinala niya kami ni Leo sa Rain Forest Restaurant sa Fisherman’s Wharf. Ang bait-bait ni Leo. Kahit pagod na rin sa work niya, talagang he finds time na ipasyal kami. Gusto ko siyang pasalamatan dahil pinagaan niya ang buhay namin during my trip to the States.

Show comments