Nanganak si Mylene sa Amerika sa piling ng kanyang magulang pero sinundo siya roon ni Paolo.
Niyayaya na siya ng live-in partner na magpakasal kaya lang ayaw pa ni Mylene. Katwiran ng aktres ay baka dumating ang araw na magkahiwalay sila dahil habulin ng mga babae ang aktor. Matanda rin siya dito ng ilang taon.
Umaasa ang seksing aktres na sanay makasama sa natitira pang tatlong entries sa darating na Metro Manila Film Festival ang pelikula na ipalalabas sa Enero.
"Tita, sana ito na ang maging Christmas gift ko dahil first time kong magkakaroon ng entry sa film festival. Type ko syempreng sumakay sa karosa sa Parade of Stars," aniya.
Natutuwa rin ang aktres dahil may bago siyang segment sa Chowtime na isang comedy skit kasama sina April Boy Regino at Bobby Yan.
Siya pa rin ang bagong endorser ng Index Salon na magkakaroon ng branch sa Navotas.
Nang itanong namin kay Vicky kung alin sa mga istorya ng buhay ang na-touched siya, sinabi nitong mga reunion stories with kids ang nakakaantig ng kanyang damdamin.
"Ang show na napaluha ako sa istorya ni Carmen Ronda dahil after 16 years ay saka lang sila nagkitang mag-ina," anang TV host/newscaster.
Kwento pa rin ng mga reporter na noong mag-on pa sila ng isa ring sikat na aktres ay na-maintain nito ang pagiging slim dahil ayaw nga ng aktor ng mataba. Pero nang magkaasawa ito ay lumapad ang katawan pero hindi mahalaga sa napangasawa nito kung mataba man siya ngayon!
Biro nga nila ay kung sakaling magkatuluyan ang sikat na aktor at actress/singer ay di raw magiging ganito kataba ang sikat na aktres dahil hindi papayag ang aktor.