Mas kailangan kasi talaga niya ngayon ng agent dahil na-release na sa Amerika ang The Great Raid ng Miramax International na may premiere night ngayon sa Lowe Theater sa Washington D.C at ito ang right time para i-pursue ang kanyang career sa Hollywood.
Last Tuesday night umalis na ang entourage ng actor para sa premiere ng Miramax film na nabitin ang showing dahil ang palagay ni Cesar, tinapos muna ng Miramax ang giyera sa Iraq bago nag-decide na ipalabas since tungkol nga sa giyera ang pelikula. At kasama sana si Sunshine na aalis, pero dahil nga preggy ito, biglang sumama ang pakiramdam kaya last minute ay nag-back out si Mrs. Cesar Montano. "May ticket na nga siya, pero sumama ang pakiramdam," sabi ni Cesar.
Ang manager niyang si Tita Norma Japitana at brother niyang si Rommel ang nakasama ni Cesar para mag-attend ng premiere night ng first Hollywood film ng actor na ngayon ay endorser ng Natures Spring mineral water.
Hindi sagot ng Miramax ang travel expenses nila Cesar. "Yung expenses lang namin pagdating sa Amerika ang sagot nila." Pero from the origin, galing sa sariling bulsa niya ang gastos.
Pero okey lang kay Cesar. Lalo na ngat maganda ang exposure niya sa movie. Napanood na niya ang finished product. Marami na rin ang nakapanood ng movie dahil nagkaroon na ito ng premiere sa bansa na sponsored ang US Embassy.
Mahaba raw ang role ni Cesar at important ang character niya according to Archie de Calma na isa sa mga naka-attend ng special preview.
Actually, suwerte na nga raw mako-consider si Cesar dahil hindi na-edit ang mga scenes niya compared to Paolo Montalban na most of his scenes ay na-edit kaya ang ending, wala na siyang dialogue sa pelikula.
Yung iba namang mga local actors like Rez Cortes, Bembol Roco among others na dumayo pa sa Shanghai para kunan pa ang mga eksena ay walk on lang ang natirang eksena.
For the record, ayon kay Boss Vic, hindi boycott ang Viva Films sa MMFF. Nagkataon lang na hindi sila nakapag-decide kung anong script ang isu-submit.
Pero may chance pa naman. Pinag-aaralan pa namin kung hahabol kami sa finished product category," sabi ni Boss Vic na mas excited ngayon sa solo concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum on September 30. Ito supposedly ang birthday concert ni Sarah last July 25 pero hindi nga natuloy dahil naging hectic ang schedule ni Sarah sa mga concert niya sa Amerika.
Alam kasi ni Boss Vic na matagal nang hinog si Sarah para sa isang major concert.
Anyway, ayaw munang i-reveal ni Boss Vic ang mga project niya as Presidential Consultant on Entertainment. Basta isang araw na lang daw ay marami ang magugulat sa project na tina-trabaho niya ngayon.